Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong malikot ngayong araw. Baka may matamaan kang tao at may chance na magalit siya sa iyo.
Love:
Couples: Kung hahayaan mo lang ang mga problema sa inyong relasyon, darating ang panahon na mawawalan ka ng tiwala sa iyong partner.
Money/Career:
Manatiling masipag sa iyong trabaho. Hindi porke mataas na ang iyong posisyon ay magpepetiks ka na.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Malaki ang tiwala mo sa iyong sarili, pero huwag mong paabutin sa point na nagiging mayabang ka na lalo na sa paningin ng iba.
Love:
Singles: Kung meron kang ex, marahil ay may mga bagay ka pa rin na naaalala tungkol sa kanya. Magmove on ka na uy!
Money/Career:
Ito na ang panahon para bilhin mo ang isang bagay na matagal mo nang pinagiipunan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao. Ilibre mo na lang sila pagkatapos.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi gusto sa ginagawa ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para maging aware siya rito.
Money/Career:
Maging kalmado ka lang ngayong araw. Huwag mong ipakita sa iyong boss na kinakabahan ka sa pwedeng mangyari.
Lucky color: Rainbow
Lucy number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may dapat kayong icelebrate ngayong araw. Ingatan mo lang ang iyong mga kakainin dahil may chance na sumakit ang iyong tiyan.
Love:
Couples: Maaaring may gawin para sa iyo ang iyong partner, kaya naman huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi ka confident ngayong araw, huwag mo itong ipakita sa iyong boss. Tatagan mo ang iyong loob.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Walang masama sa pagtry ng bago. Maaaring makatulong pa sa iyo ito ng malaki kung iyong susubukan.
Love:
Couples: Naiintindihan ng iyong partner na busy ka sa iyong trabaho. Pero tandaan mo na darating ang araw at maiinip din siya sa iyo.
Money/Career:
Maaaring madelay ang inaasam mo na pera. Pero huwag mag-alala dahil paniguradong darating naman ito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nag-iisip ka na magbago ng trabaho, marahil ito na ang tamang panahon para rito lalo na kung hindi ka satisfied sa trabaho mo ngayon.
Love:
Couples: Maaaring panalo ka nga sa argumento ninyong dalawa, pero magdudulot naman ito para magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Maaaring kailangan mong mag-adjust sa mga pagbabago sa iyong trabaho. Hindi mo man ito gusto, wala ka namang ibang choice kundi sumunod.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Sundin mo ang sinasabi ng iyong mga kutob at hinala. May malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Ang taong nakalaan para sa iyo ay nandiyan lang sa tabi-tabi. Dapat ay marunong ka lang makiramdam.
Money/Career:
Masipag ka nga, pero maaaring mahirapan ka sa iyong trabaho lalo na kung tamad naman ang iyong mga kasama.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging dominating ka ngayong araw. Mag-ingat ka lang para wala kang ma-offend na tao at baka magkasagutan lang kayo.
Love:
Couples: Kung masaya naman kayo sa inyong pagsamama, ipagpatuloy ninyo lang ito. Pero kung lagi na lang kayong nagtatalo, marahil ay dapat na itong tapusin.
Money/Career:
Kung nakukulangan ka pa rin sa iyong kinikita, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng pangalawang trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Iwasan mong maging boring. Umalis ka sa iyong comfort zone para naman magkaroon ng challenge ang iyong buhay.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, malalaman mo na ang rason sa likod nito ngayong araw.
Money/Career:
Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag sa iyong trabaho at darating ang araw na mapopromote ka rin.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para gumala kayo ng iyong mga kaibigan. Maganda na magrelax-relax ka naman kahit papaano.
Love:
Singles: Maaaring may taong lalapit sa iyo para humingi ng iyong tulong. Pero sa totoo lang, gusto lang niya na makasama ka.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho. Huwag mong hayaang may gumulo sa isip mo kapag may ginagawa ka.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nalilito ka sa kung ano ang dapat mong gawin, magtiwala ka na lang sa iyong sarili at huwag na makinig sa sasabihin ng iba.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, siguraduhin mo na nagpaparamdam ka sa kanya para naman aware siya.
Money/Career:
Mukhang may malaking posibilidad na makapunta ka abroad dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. May mga bagay talaga na dapat mong gawin lalo na kung gusto mong mapaganda ang iyong buhay.
Love:
Singles: Kung hindi ka sure kung dapat mo na bang sagutin siya o hindi, huwag ka muna gumawa ng desisyon. Dapat ay marunong siyang maghintay.
Money/Career:
Tingan-tingan mo rin ang mga ginagawa ng iyong mga kasama at baka may matutunan ka sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7