Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka na makinig sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo. Magconcentrate ka na lang sa iyong mga gawain at pabayaan mo na lang sila.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw. Kaya para matapos ito kaagad, mas mabuting manahimik ka na lang.
Money/Career:
Kung magiging emosyonal ka ngayong araw, maaaring makaapekto ito sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ka na masyadong selfish at madalas ka na ring tumutulong sa ibang tao. Kaya naman mag-iiba na ang tingin sa iyo ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung may pagtatalo kayo ng iyong partner, subukan ninyong ayusin ito agad. Huwag ninyo hayaang ipagpabukas pa ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo ito kaagad. Hindi ito ang tamang panahon para magdalawang-isip ka.
Love:
Couples: Kung nakukulangan ka sa kilig na dulot ng inyong samahan, marahil ay dapat ka na umaksyon tungkol dito.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng isang magandang advice na magpapabago sa takbo ng iyong career.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin ngayong araw. Marahil ay may masabi kang sikreto at tiyak na magagalit sa iyo ang taong may kinalaman dito.
Love:
Couples: Kung gusto mong magkaroon ng totoong relationship, dapat ay matuto kayong unawain ang isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Diretsyuhin mo na siya kung kinakailangan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panindigan mo ang iyong mga desisyon. Hindi tama na magpabago-bago ka ng pasya, kundi maraming tao ang mawawalan ng tiwala sa iyo.
Love:
Couples: Huwag masyadong mawalan ng pag-asa kung hindi masyadong maganda ang takbo ng inyong relasyon. Kailangan ninyo lang magpasensiya.
Money/Career:
Kung kailangan mong magconcentrate sa iyong career, may mga ilang family outings kang hindi mapupuntahan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka maintindihan ng mga tao, huwag ka na lang mag-explain sa kanila lalo na kung hindi ka rin naman nila pakikinggan.
Love:
Couples: Kung gusto mo ng pagbabago sa inyong samahan, dapat ay magsimula ito sa iyo para naman ma-inspire ang iyong partner.
Money/Career:
Kung may taong nangutang sa iyo dati, may chance na bayaran na niya ito ngayong araw.
Lucky color: Neon Green
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magagawa mong tapusin ang mga dapat mong gawin ngayong araw at walang tao o bagay ang makakapigil sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka mahiyang lapitan siya kung talagang gusto mo siya. Gawin mo ang lahat para maging close kayo.
Money/Career:
Huwag ka makinig sa sinasabi ng iba. Kung alam mo sa sarili mo na tama ang ginagawa mo, gawin mo lang ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mababawasan ang stress sa inyong pamilya. Kaya naman magagawa ninyo na makapagrelax kahit papaano.
Love:
Singles and Couples: Huwag ninyong kalimutang maglaan ng panahon sa inyong pamilya. Kung balak ninyong bumisita sa inyong probinsya, gawin ito.
Money/Career:
Mukhang may paparating na pagbabago sa iyong trabaho at mukhang papabor ito sa kagustuhan mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo kayang solusyunan ang isang problema, iwan mo muna ito at baka may maisip ka ring solusyon para rito kinalaunan.
Love:
Couples: Pag-usapan ninyong dalawa ang mga issue sa inyong relasyon. Mas mabuti kung open kayo sa isa’t-isa at huwag masyadong ma-pride.
Money/Career:
Mukhang magiging maayos na rin ang status ng iyong career. Mababawasan na rin ang stress na dulot nito sa iyo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mag-ingat ka ngayong araw sa tubig. May malaking chance na magkaroon ka ng aksidente na may kinalaman dito.
Love:
Couples: Kung pagod ka, magpahinga ka. Huwag mong pahirapan ang iyong partner lalo na kung magiging mainitin ang iyong ulo.
Money/Career:
Kung patuloy kang magiging tamad sa iyong trabaho, malaki ang chance na mapatalsik ka nang maaga sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung sisimulan mo ang isang bagay, magkakaroon ka ng motivation para tapusin ang natitira mo pang mga gawain.
Love:
Couples: Huwag mo na pahirapan pa ang iyong partner. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo ito ng diretso at huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa research o investigations ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kumpletuhin mo ang iyong mga gawain. Huwag mo na hayaang ipagpabukas pa ang mga ito kung kaya mo naman tapusin ang mga ito ngayong araw.
Love:
Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong partner. May chance na magtampo na siya sa iyo kung patuloy mo pa ring pagkakaitan siya ng iyong oras.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business na hinahawakan.
Lucky color: Cyan
Lucky number: 15