Ipinagdiwang kamakailan ng Home Credit Philippines (HCPH), ang nangungunang consumer finance company sa bansa, ang mahalagang tagumpay nitong Oktubre sa pagkamit ng 11 milyong customers sa kanilang ika-labing isang anibersaryo.
Para maging lalong makabuluhan ang okasyong ito, inanunsyo ng Home Credit sa isang press conference ang pagpapatuloy ng kanilang
partnership ng dalawang pang taon sa tanyag na aktres at brand ambassador na si Marian Rivera. Ang patuloy na kolaborasyon na ito ay nagtatampok ng isang pinagsamang hangarin na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mas abot-kayang mga
solusyong pang-pinansyal.
“Simula nang magbukas ang Home Credit sa bansa noong 2013, pinalawak namin ang ang aksesibilidad sa larangan ng panghihiram para sa mga Pilipino. Ang Home Credit ay naging pinagkakatiwalaang kaagapay nila sa pag-ma-manage ng kanilang finances.
Ngayon, buong karangalan naming inanunsyo ang muli naming pakikipag-partner kay Marian Rivera na pinili namin dahil ang kanyang star-power, kredibilidad, at impluwensya ay umaayon sa mga paniniwala at misyon ng Home Credit,” ibinahagi ni Chief Marketing Officer Shiela Paul sa kanyang pahayag.
Nagbigay naman si Rivera ng kanyang pananaw at ibinahagi ang kanyang kasiyahan sa pakikipag-partner sa brand.
“Nagsimula ang aking journey sa Home Credit sa pag-unawa sa kanilang misyon, at mabilis kong nakita ang dedikasyon nila sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino. Napakahalaga sa akin na suportahan ang mga produktong pinaniniwalaan ko, kaya ipinagmamalaki kong
maging ambassador ng isang brand na tunay na nakatutulong sa buhay ng aking fans,” ani Rivera.
Pagbibigay ng oportunidad sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng abot-kayang solusyong pinansyal
Upang matugunan ang lumalawak na pangangailangan ng kanilang mga customers, ino-offer na ngayon ng Home Credit ang iba’t ibang uri ng installment at serbisyong pinansiyal. Maaaring magamit ng mga Pilipino Ang mga produkto at serbisyo ng Home Credit sa pagkuha
ng mga appliances, gadgets, at maging sa groceries, na pwedeng makatulong sa kanila sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay.
“Ang dedikasyon ng Home Credit sa aming ginagawa ay maging pinagkakatiwalaang kaagapay ng bawat Pilipino,” ayon kay Paul. “Ang aming misyon ay magbigay ng abot-kaya at maaasahang mga opsyon sa finances na nakapagpapabuti ng buhay at sumusuporta sa mga komunidad.”
Binigyang-diin din ni Rivera ang kahalagahan ng Home Credit sa pagbibigay ng tunay na suporta sa mga nangangailangan, lalo na’t excited siyang makatulong sa mas maraming pamilya na ma-access ang mga serbisyo ng Home Credit ngayong kapaskuhan.
“Napakahalaga sa akin na totoong pinaniniwalaan ko ang aking mga ineendorso,” ani Rivera. “Ang misyon ng Home Credit na mas mapagaan ang buhay ng mga Pilipino ay talagang importante para sa’kin.”
Isang bagong yugto ng pagtutulungan batay sa tiwala
Ang patuloy na partnership sa pagitan ng Home Credit at ni Marian Rivera ay nabuo sa matibay na pundasyon ng tiwala sa isa’t isa.
“Ang kredibilidad at paniniwala ni Marian ay umaayon sa aming dedikasyon sa pagtulong sa mga Pilipino. Ang tiwala ay nasa sentro ng aming mga serbisyo bilang isang brand, at si Marian ang isa sa mga nakakatulong sa’min para mas marami pa kaming maabot at matulungan
sa pamamagitan ng aming mga financial solutions,” ayon kay Paul.
Para kay Rivera, ang contract renewal na ito ay sumasalamin sa kanyang tunay na dedikasyon sa bran na kanyan ini-re-representa. “Mahalaga ang tiwala, lalo na sa financial sector,” ani Rivera. “Ang commitment ng Home Credit sa pagtulong sa mga Pilipino ay isang
bagay na ipinagmamalaki kong suportahan.”
Patuloy na pagtulong para mapagaan ang buhay ng mga Pilipino
Sa kanilang pinakabagong tagumpay, nagpahayag ng pasasalamat ang Home Credit sa kanilang milyun-milyong customers.
“Ang impluwensya ni Marian ay tumutulong sa amin na ibahagi at ipakita sa pamilyang Pilipino kung paano kayang suportahan ng Home Credit ang kanilang mga hangarin sa buhay,” ayon kay Paul.
Ayon naman kay Marian, “Ang partnership na ito ay higit pa sa endorsement; ito ay para makatulong rin sa kapwa ko Pilipino. Maraming salamat sa inyong lahat, sa pagtitiwala sa Home Credit, at natutuwa akong maging bahagi ng paglalakbay na ito habang
magkasama nating pinapagaan ang mas marami pang buhay.”
Suporta ng Home Credit sa mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine
Samantala, bilang tugon sa pinsalang dulot ng Bagyong Kristine, nagpahayag si Zdenek Jankovsky, Chief Business Development Officer ng Home Credit, ng pakikiisa sa mga komunidad na naapektuhan.
“Our thoughts and prayers are with those affected,” aniya. “At Home Credit, we believe in standing by our customers and communities in times of need.”
Nagbigay din ang Home Credit ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation, isang non-government organization na malapit sa puso ni Marian Rivera, upang suportahan ang agarang relief efforts. Ipinunto ni Jankovsky na maaasahan ng mga customer ang Home Credit
sa mga panahon ng pangangailangan. Binigyang-diin din niya ang mga produkto tulad ng Home Credit Protect na nag-aalok ng home coverage at loan flexibility. “While we celebrate our company milestones, we keep in mind our fellow Filipinos in
need and stand ready to support them,” pagtatapos niya.
Para sa karagdagang updates mula sa Home Credit Philippines, bisitahin ang kanilang official website,
www.homecredit.ph.
Maaari mo rin silang i-follow sa kanilang official social media accounts sa
Facebook, Instagram,
at TikTok.
Ang Home Credit Philippines ay isang financing company na may lisensya at nasa ilalim ng supervision ng
Securities
and Exchange Commission (SEC) at ng
Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP).