Taon nga ngayon ng mga collaborations! After magkaroon ng teleserye project ang ABS-CBN at GMA Network kasama ang streaming site na Viu, hindi na nakakapagtakang masundan pa ito ng cross-network pairings pa ng mga artista nito.
Ngayong araw nga ay pumutok na ang balitang magkakaroon ng movie project sina Julia Montes at Alden Richards sa ilalim ng produksyon ng GMA Pictures at ng management ng aktres na Cornerstone.
2019 pa nang huling lumabas ang movie ni Alden Richards kasama si Kathryn Bernardo sa box office hit na ‘Hello, Love, Goodbye’ ng Star Cinema samantalang si Julia Montes ay matagal-tagal na nawala sa limelight at 2016 pa ang huling movie na ‘Padre de Familia.’ Ang movie naman ni Alden Richards with Bea Alonzo na ‘Special Memory’ (adaptation ng Japanese drama na ‘Pure Soul’) ay wala pang bagong balita.
Ngayon pa lamang ay marami nang excited sa collaboration na ito at mataas ang expectations dahil hindi naman puchu-puchu na stars sina Alden at Julia.