Sa kanyang guesting sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin ng aktres na si Ina Raymundo na nagsisisi siyang gumawa siya noon ng sexy movies, nang naitanong siya ng ganoon ni Tito Boy Abunda.
Inamin ni Ina na kung maibabalik niya lang, ayaw niyang gumawa ng sexy movie dahil napilitan siya at na-exploit pa.
Pinagawa sa kanya ng mga prodyuser ng pelikula ang breast exposure, ngunit gusto pa raw nila ng higit pa roon. Dagdag ni Ina, malaki naman ang kinita ng pelikula sa takilya kaya na-vindicate siya.
Tinrato pa raw si Ina na parang bata ng mga prodyuser noong sinisigaw siya dahil ayaw niyang gawin ang ganoong eksena.