Naospital ang aktor at “King of TikTok PH” na si Gardo Versoza matapos atakihin sa puso. Ipinaliwanag ng asawa niyang si Ivy Vicencio na nagkaroon ng bara sa puso ang aktor.
Nakiusap si Ivy sa social media na ipanalangin ng mga tagahanga ang matagumpay na operasyon sa puso ni Gardo.
“Paki sama po sa dasal ninyo na maging successful sana ang operation ni Gardo “Cupcake” Versoza ngayon. May nakita pong bara sa ugat nya sa puso 🙏🏼♥️😔maraming salamat po 🙏🏼🙏🏼🙏🏼”