Kanina lamang ay nagtweet si Chito Miranda para magsorry sa kanilang mga kasabayan sa flight paglapag sa NAIA.
“Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture pag lapag natin sa NAIA,” sabi niya.
Sa pagkakaalam namin ay galing pang US Tour ng bandang Parokya ni Edgar si Chito.
Kasama pa niya ang asawang si Neri Miranda at mga anak na sina Miggy at Pia.
“Medyo aligaga lang kami ni Neri kasi tulog si Cash at ang dami namin kelangang asikasuhin, bitbitin na gamit, along with pag-alaga kay Miggy and Ate Pia,” dagdag pa niya.
Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture pag lapag natin sa NAIA.
Medyo aligaga lang kami ni Neri kasi tulog si Cash at ang dami namin kelangang asikasuhin, bitbitin na gamit, along with pag-alaga kay Miggy and Ate Pia
— Chito Miranda (@chitomirandajr) April 3, 2023
Understandable naman ang rason ni Chito, isama pa natin na pagod sila galing sa biyahe.