“Si Pirena po ang favorite ko,” ‘yan ang sagot ni Maria Nicolette Vergara na mas kilalang si Colet ng P-Pop girl group na Bini nang tanungin siya kung sino ang pinakapaborito niyang Sang’gre sa ‘Encantadia,’ isa namang kilalang fantaserye mula sa GMA Network.
Ang clip ay kuha lamang sa Kumu live niya kamakailan na nirepost sa Tiktok at ngayon nama’y sa Twitter.
Ito naman ay nakaagaw ng pansin sa OG (original) Pirena na si Glaiza de Castro ng ‘Encantadia’ (2005).
“Avisala Eshma,” (Thank you) ang pagbati ng Kapuso star habang naka-tag ang Bini member.
https://twitter.com/glaizaredux/status/1645399313571516417
Tila naiyak naman sa reply ni Glaiza si Colet, “Avisala sang’gre pirena! huhu”
Avisala sang’gre pirena! huhu https://t.co/IFR65DLY9u
— C O L E T (@bini_colet) April 10, 2023
Kahapon nga lang ay napanood sa GMA Network morning variety show na ‘TiktoClock’ ang Bini, first time nila itong pagpeperform sa harap ng mga Kapuso audience.
Samantala ang ‘Encantadia’ naman na sequel na pinamagatang ‘Sang’gre’ ay kasalukuyang nasa development stage na at mukhang isa sa magiging pasabog ng GMA Network ngayong taon kung maihahabol.