Mukhang nalalapit na ang pagbabalik ng 2022 most-watched teleserye na ‘Lolong’ na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Shaira Diaz.’
Sa isang tweet nga ni Ruru Madrid kahapon, gumamit siya ng flushed emoji sa isang post na naglalaman ng posibleng script ng second installment ng ‘Lolong.’
Ang post na ito ay niretweet din ng bidang si Shaira Diaz.
— Ruru Madrid (@Rurumadrid8) April 12, 2023
Ang pangalan ng karakter ni Ruru sa serye ay Lolong na isang tao habang Dakila naman ang pangalan ng 22-feet na animatronics na buwayang magiging kaibigan niya. Hindi lang tungkol sa kanila iikot ang istorya kundi pati na rin sa mga nangyayari sa ating kapaligiran tulad ng climate change, global warming, at ang pagkaubos ng mga hayop lalo na sa Pilipinas.
Maliban sa ipinagmamalaki nitong ratings, kinuha agad ang ‘Lolong’ ng isa sa major TV networks sa Indonesia na ANTV.