May ibinahaging reel ang aktres na si Bianca King sa kanyang Instagram account kung saan ipinapakita ang milestones ng kanyang pagbubuntis hanggang sa ipinangak niya ang unang anak nila ng non-showbiz husband niyang si Ralph Wintle.
Nai-post ang Instagram reel matapos ang social media break ni Bianca noong Agosto.
“Still pregnant! Just kidding 😁 32 weeks, 36 weeks and 46 weeks. I wish I shot myself at 41 weeks because I was so big but I was too lazy.”
Kapatid naman si Ralph Wintle ni Ben Wintle, kabiyak ni Iza Calzado, na kamakailan ay inanunsyo naman ang pagsilang ng kanilang anak na si Deia Amihan.