Variety show host Willie Revillame humbly apologized to seasoned showbiz columnist and host Cristy Fermin following his recent TV meltdown.
During Wowowin‘s February 8 episode, Revillame asked Fermin’s forgiveness after alluding to her during his emotional outburst, where he accused several people of being ingrates after helping them before.
“Kay Tita Cristy Fermin, Tita Cristy, para mo na akong anak. Para na kitang nanay, humihingi ako ng tawad sa ‘yo.
“Pasensiya ka na, alam mo naman nag-iisa lang ako. Ilang araw akong nag-iisa sa kuwarto, nag-iisip. Hindi ako nagbabasa nang kahit ano, nag-iisip lang ako.
Revillame also apologized to Fermin’s children for the pain he caused by judging and castigating their mother.
“Pero salamat at nagkausap tayo kanina. At sa mga anak mo na nasaktan ko, pasensiya na kayo dahil naging emosyunal ako.
“Ako naman ay nagpapakumbaba sa mga nasasaktan. Ganoon ho talaga, pero wala akong iniisip na pagsusumbat kahit kanino.”
He added, “Tita Cristy, sa mga anak mo, I’m sorry. Galing sa puso ko, I’m really sorry na nasaktan kita.
“Alam ko na ipinaglaban mo ako, ilang giyera na yung nilabanan natin magmula noong nagsisimula pa lang ako sa ABS-CBN, nagpunta ako ng TV5, nagpunta ako ng GMA, nandiyan ka.
“Kung ano yung nilalapit mo sa akin, hindi kita mahindian. Kung ano yung nilalapit ko sa yo, tinutulungan mo ako.
“Again, kay Tita Cristy, sa pamilya mo, sa mga anak mo, I’m really sorry na nasaktan ko kayo. Maraming salamat, ipinagtatanggol mo pala ako.”
The Wowowin host then reasoned out that he was a victim of clickbait.
Revillame shared that it came from one of his staff that Fermin allegedly called him arrogant on her YouTube channel, which he admittedly did not watch.
“Na-clickbait ako. Napain lang ako na may nagsabi sa akin na, ‘O akala ko ba, nanay mo yang si Cristy Fermin? Bakit sinabi, ang yabang-yabang mo raw?’
“So, parang naano na ako, yun ang mga dumarating. Kaya ayokong nagbabasa ng YouTube at Facebook na negative. Kaya lang, siyempre nasaktan ako dahil parang nanay ko ho yan, si Tita Cristy.
“Ilang laban, ilang giyera na kami ang magkasama. Saka yun nga, may nasabi ako sa kanya na hindi maganda kagabi na nasaktan ko ang pamilya niya.”
He then acknowledged that it was wrong when he decided to talk first before watching the whole video.
“Na ang pagkakamali ko ho, e, hindi ko kasi napanood yung kanyang Cristy FerMinute dahil ayoko na ho manood.
“Ang pagkakamali ko, nagdesisyon akong magsalita. Ako ho ang nagkamali.”
Revillame also shared that he had already talked to Fermin in private, and they were able to explain their respective sides.
“Nagkausap kami ni Tita Cristy kanina, nagsigawan kami. Nagmurahan kami.
“Parang mag-ina na nagtatampuhan hanggang humingi ako ng tawad sa kanya at sa mga anak niyang nasaktan.
“Kung anuman yung nasabi ko ho, e, hindi naman yon pagsusumbat.
“Yun naman ho, e, galing sa puso ko yung pagbibigay nun [condo unit at kotse]. Kaya lang siyempre, dumarating yung point na nasasaktan ka.
“Tao ka lang, binubugbog ka ng lahat. Pati yung mga tao na tinutulungan ko dati, pati sila nakikisama [sa paninira], hindi mo alam kung bakit.”