FPJ’s Batang Quiapo (FPJBQ) lead star and director Coco Martin admitted he lacks knowledge of Islam.
The former apologized to Senator Robin Padilla.
On February 16, Padilla released a statement regarding the February 14 episode of FPJBQ.
“Ako po ay humaharap sa inyo ngayong araw na ito upang magbigay ng pahayag patungkol po sa isang episode ng teleseryeng Batang Quiapo na ipinalabas noong ika-14 ng Pebrero, araw po ng Martes – na masasabi po nating tumawag sa atensyon ng ating mga kababayan, partikular na po sa komunidad naming mga Muslim.
“Nauunawaan ko pong nasaktan ang ating mga kapatid sa paglalarawan na tila ba kinikunsinte ng mga Muslim ang pagnanakaw ng karakter ni Tanggol. Kaalinsabay po nito ang naging paggamit ng mga relihiyosong imahe, katulad po ng Golden Mosque, adhan, at mga kasuotang ginagamit po sa pagdadasal ng isang Muslim.”
Padilla emphasized any form of stealing, including tolerating the said action, is a grave sin.
“Nais po nating bigyang diin na malaking kasalanan, haram o ipinagbabawal po sa Islam ang anumang uri ng pagnanakaw, gayundin po ang pagkunsinti sa sinumang magnanakaw. Kaugnay nito, nais kong ipaalam na personal po na pumunta sa aking tanggapan si Ginoong Director Coco Martin upang ibigay po ang kanyang paliwanag sa kontrobersyal na bahagi ng kanyang teleserye.
“Personal ko pong narinig at nakita at naramdaman ang sinserong paghingi ng paumanhin ng aking kapwa-aktor at direktor sa lahat po ng mga nasaktan sa nasabing paglalarawan.”
Padilla said Martin personally visited him to explain himself and apologize.
“Mga mahal kong kapatid, ako na po ang naggagarantiya sa mabuting kalooban ni G. Coco Martin. At sigurado po akong wala siyang masamang intensyon kanino man. Inaamin po niya na kulang ang kanyang kaalaman sa Islam, kung kaya’t sa halip po na ating kutyain ang kanyang pagkukulang, ako na po ang nananawagan po sa inyo upang atin itong sama-samang punuan,” he stated.
FPJBQ’s production team issued a public apology to the Muslim community.
“Nais naming humingi ng taos-pusong paumanhin sa mga manonood lalo na sa mga miyembro ng Muslim community na nasaktan sa isang eksena ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na umere noong Pebrero 14.
“Nauunawaan namin ang mga nagpahayag ng opinyon at damdamin tungkol dito at sinisiguro namin na walang masamang intensyon ang programa na diskriminahin, saktan, o ilarawan ang ating mga kababayang Muslim sa negatibong paraan.
“Nangangako rin kaming maging sensitibo sa paghahatid namin ng kwento ni Tanggol at ng kanyang komunidad sa teleserye.”