During an interview on Friday, November 12, David Chua questioned why Isko Moreno’s presidential bid received less support from celebrities.
Chua noted that presidential aspirant Vice President Leni Robredo earned overwhelming support from the entertainment circles compared to Moreno.
In an interview with PEP.ph, he said, “Si Ma’am Leni Robredo, nakikita ko na marami ang nagpo-post sa social media tungkol sa kanya. Vocal sila sa pag-support sa kanya. So, nagtataka ako. Bakit parang kay Mayor Isko, wala masyado? Hindi ko ramdam. Bakit parang takot yung mga kapwa ko artista na mag-post tungkol sa kanya? Natatakot ba silang magbigay ng damdamin kung sino ang presidential aspirant na susuportahan nila? Bakit?”
“Tama ba na kung magkakaiba ang presidente na susuportahan natin, hindi na tayo magkakasundo? ‘Di ba, dapat respetuhan lang tayo? Kasi sa social media, bastusan na! May mga ‘IskoR Moreno, Bongbong Magnanakaw…’ Normal ‘yan dahil democratic country tayo, pero nasisira yung mga magkakaibigan.
“Sana matanggal yung ganoong klase ng kultura. Ang gusto naman nating lahat, para sa ikagaganda at ikauunlad ng Pilipinas. Maliban sa mga kasamahan niya [Isko] noon sa That’s Entertainment, wala akong ibang artista na alam na, openly, sumusuporta kay Mayor Isko. Kapag tinatanong ko sila, ang sagot nila, wala pa raw silang kandidato na napipili.”
Many celebrities get to support Robredo for they expect her to grant a new franchise to ABS-CBN, if she is elected as president.
He shared, “Sa palagay ko, gusto nila si Ma’am Leni dahil ang tingin nila, mabubuksan ang ABS-CBN kapag siya ang nanalo. Nanggaling ako sa ABS-CBN, fifteen years ako doon, halos half of my age. Sino ba ang ayaw na magbukas ang ABS-CBN? Sino ang may ayaw na magkaroon tayo uli ng trabaho?
“Pero yun lang ba ang hangarin ng mga kapwa ko artista, ang mabuksan ang ABS-CBN? Of course, gustung-gusto ko na mabuksan ang ABS-CBN, pero gusto ko na mas marami pa ang magagawa. Hindi ko sinasabi na walang magagawa si Ma’am Leni, ang sinasabi ko lang, sa nakikita ko, maraming proyekto, trabaho, at kilos na ginagawa si Mayor Isko.”
Chua said he is ready to face criticisms from the public because of his views about Moreno and Robredo.
Chua stated, “Handa naman tayo dahil parang profession na ng iba na mag-bash ng kapwa. Wala naman taong perpekto. Hindi ako perfect, puwede akong i-bash, pero at least, makikita ko kung tama ba o hindi ang mga sinasabi ko. ‘Yun ang paninindigan ko so ready ako sa bashing.”