Comedian and Kapamilya writer Alex Calleja came out with an open letter addressed to the trolls and bashers viciously attacking ABS-CBN.
In a series of tweets, Alex addressed the trolls and bashers who are celebrating ABS-CBN’s misfortune.
Bukas na liham para sa mga trolls at bashers (open letter sa english)
Dear Trolls and Bashers,
Maaring tuwang-tuwa kayo sa pagsasara ng ABS-CBN at karapatan niyo yan. Hindi ko na rin pipilitin na umayon kayo sa paniniwala ko tulad ng pagpilit niyo na baguhin ang paniniwala ko.— Alex Calleja (@alexcalleja1007) July 7, 2020
He said while his life will continue whatever happens to the ABS-CBN franchise, there are thousands who will lose their jobs that will surely have a hard time raising their families.
Pero ito lang masasabi ko, ano mang mangyari, tutuloy ang buhay natin lahat, pati ikaw (yes, pati ikaw troll and bashers). Sana may maidulot na magandang bunga ang pagsasara ng ABS CBN sa buhay niyo dahil sigurado ako, sampung libong tao ang maghihirap.
— Alex Calleja (@alexcalleja1007) July 7, 2020
More importantly in his letter, he asked the trolls the most important question, “ikaw Trolls at Bashers? Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba?”
Nagbabayad ako ng malaking tax. Walang halong yabang, hindi ako mayaman pero kaya ko mabuhay ng dalawang taon na walang alisan sa bahay.
Eto ang tanong, ikaw Trolls at Bashers? Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba?
— Alex Calleja (@alexcalleja1007) July 7, 2020
He asked, what would they get out of it? They may get the satisfaction of seeing ABS-CBN shut down but they will still have to face the same personal problems.
Pag nagsara ang ABS-CBN, tapos na ba ang personal na problema mo. Life goes on di'ba?
Kaya hinay-hinay sa pambabash at pag comment ng walang saysay. Masaya lang kayo panandalian, pero pagkatapos mo magcomment, back to reality tayo pareho.
— Alex Calleja (@alexcalleja1007) July 7, 2020
https://twitter.com/alexcalleja1007/status/1280299336136396800
In the end, he said, only cruel and bad people would want misfortunes for others.
https://twitter.com/alexcalleja1007/status/1280299337927385088
Here’s the complete open letter penned by Alex Calleja to those viciously opposing the ABS-CBN franchise.
Dear Trolls and Bashers,
Maaring tuwang-tuwa kayo sa pagsasara ng ABS-CBN at karapatan niyo yan. Hindi ko na rin pipilitin na umayon kayo sa paniniwala ko tulad ng pagpilit niyo na baguhin ang paniniwala ko.
Pero ito lang masasabi ko, ano mang mangyari, tutuloy ang buhay natin lahat, pati ikaw (yes, pati ikaw troll and bashers). Sana may maidulot na magandang bunga ang pagsasara ng ABS CBN sa buhay niyo dahil sigurado ako, sampung libong tao ang maghihirap.
Binawasan ko ng isang libo kasi kaya naman ng mga artista, executives at may mga negosyong taga ABS CBN ang mabuhay ng maayos.
Huwag mo rin akong problemahin kasi may mga trabaho ako outside ABS-CBN.
May sarili akong bahay at lupa, 2 kotse, napagradute ang isang anak sa tulong ng ABS-CBN. Kayang pag-aralin ang anak sa DLSU at Colegio de San Agustin. Aircon ang bahay namin. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng ayuda at relief goods mula sa gobyerno.
Nagbabayad ako ng malaking tax. Walang halong yabang, hindi ako mayaman pero kaya ko mabuhay ng dalawang taon na walang alisan sa bahay.
Eto ang tanong, ikaw Trolls at Bashers? Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba?
Direkta ka bang makikinabang sa pagsasara ng ABS-CBN. Habang binabasa mo ito at nakahanda na ang pangbash mong memes o script o walang sense na comment, pagkatapos mo gawin yan, tignan mo buhay mo, may pagkain ka ba sa harapan ng mesa, pambayad sa ilaw at kuryente.
Pag nagsara ang ABS-CBN, tapos na ba ang personal na problema mo. Life goes on di’ba?
Kaya hinay-hinay sa pambabash at pag comment ng walang saysay. Masaya lang kayo panandalian, pero pagkatapos mo magcomment, back to reality tayo pareho.
Kumusta ang buhay mo sa labas ng social media world.
Marami pong mawawalan ng trabaho. Kung may problema sa ABS-CBN, ayusin. Kapag may problema sa cellphone, minsan pinapagawa kasi mas magastos kapag bumili ng bago. Wag maghangad ng masama sa kapwa.
Madami po ang mawawalan ng trabaho habang nasa pandemya. Masamang tao lang ang naghahangad ng masama sa kapwa.
O magcomment ka na.