Kapuso writers Suzette Doctolero and RJ Nuevas shared their take on why Pinoy teleseryes can’t keep up with other Asianovelas, specifically K-dramas.
In a three-part Facebook post, Suzette tried to address why Pinoy teleseryes are being left behind compared to Koreanovelas which are now globally recognized.
Doctolero’s lengthy explanation stemmed from Director Erik Matti’s recent tweet about “faux-cinderella” Koreanovelas.
The daily top ten most viewed on #Netflix shows us how our movies and tv are doomed in the future. K-drama galore. Faux cinderella stories with belofied actors whiter than white. And it’s all about love in the midst of this pandemic. 🥵😠😫😤
— Erik Matti (@ErikMatti) April 14, 2020
Colonial mentality of Pinoy viewers
Doctolero opined that Pinoy producers are doing their best to uplift the quality and standards of our movies and TV series. But the sad part is, only the masa consumed it.
Upper-class citizens tend to always play their colonial cards and prefer watching imported series than locally produced teleseryes.
“Maraming beses na rin ang soap opera (mula sa GMA at ABS) na nagtangka na itaas ang level ng content pero mga nag rate ba? Pinanood ba?
“Aminin na natin. Utak kolonyal tayo. ‘Pag gawang imported, gusto natin. ‘Pag gawang pinoy, cheap na agad ang tingin natin. Kaya masa lang talaga ang nanonood. Masa lang ang kakampi namin.
“Kasi snob sa gawang pinoy ang mga maiingay na gusto ng high quality para bigyan ng depensa ang preference nila na manood ng imported kesa local. Pero pag binigyan mo, di naman panonoorin.
https://www.facebook.com/suzette.doctolero.7/posts/10157872387358941
“Yes. Malaki ang dapat iimprove pa sa paggawa ng pelikula at soap opera dito sa Pilipinas (like, government support? Na wala pero mayroon sa Korea, malaking budget, censorship) pero mas malaki rin ang dapat baguhin ng Pilipino sa psyche o kaisipan natin.
“Utak kolonyal. Mas tatangkilikin talaga ang imported.”
Budget constraints of Pinoy producers
In the second part, Doctolero discussed the budget constraints of Filipino movie and teleserye producers.
She used her Kapuso teledrama My Husband’s Lover as an example of a successful Pinoy drama that was nominated at the New York festival but failed to go big in the international market because of its low budget production.
“Pasensya po at magbubuhat na ako ng bangko. Need lang para gawin kong example itong show. Ako na ang magsasabi na nag try akong gumawa ng matinong kabitan serye sa pamamagitan ng MHL. Maiba lang.
“Lintik. Pagdating namin sa New York, nanliit kami nung ipinalabas na ang mga trailers ng mga kalaban namin lahok. May isang eksena doon sa Brazilian series: yung bida, nakasakay sa kabayo. Pag top shot: ang grand! Libo libong kabayo ang nakasunod sa kanya! At hindi siya effects!”
“Wala akong ganung eksena sa MHL.Tae ang budget namin compared sa kanila.”
https://www.facebook.com/suzette.doctolero.7/posts/10157872446218941
“Ang daming nagka interes doon na bilhin ang rights ng MHL. Ang unang tanong, magkano ang budget ng show? Nung nalaman nila na maliit, uuurong na, alam kasi nila na dahil low cost at wala sa standard ng international budget.”
“Nung andoon kami, doon ko narealize, na huling huli na ang Pilipinas. Na para maglevel up, need ng sobrang laki ng budget para magkaroon ng chance na mapenetrate ang world market.”
“Pero hindi ito kaya ng mga producers at network. Mamumulubi. Babagsak ang mga negosyo. Lalo at sobrang liit ng market natin. Masa lang ang nanonood!”
“Para maachieve ang high quality at world domination gaya ng mga Korean K dramas ay Need ng support ng gobyerno (kagaya sa Korea), need rin alisin ang napakalaking tax. At ang sobrang laki ng cost ng mga locations. Saka ang censorship. Need sipain (charot!)”
“Maraming reasons kung bakit mababa ang level ng mga movies at palabas natin. At hindi iyon dahil mga tanga at bobo kaming mga gumagawa ng movies at soap. Tse!”
Lack of Government support
And for the third part, Doctolero pointed out that Korean dramas have government support, one thing that Pinoy teleseryes don’t have.
“Gobyerno ng South Korea ang mismong nagbigay ng ganyang misyon. korean invasion. Dahil may foresight sila: na maibebenta iyon sa buong mundo at hindi sila nagkamali. Multi billion industry na nila ito oy. Yan lang ay buhay na ang ekonomiya ng South Korea.
“Dahil involved ang gobyerno kaya tax free ang kdramas, libre rin ang lahat ng locations. May ginawa pang isla ang Korea (Nami Island) para lang maging Ekslusibong taping location ng mga Kdramas. Ganda doon! Picture perfect! Maganda sa mata ang biswal. May pang spring, summer, autumn at winter look. Nakakainggit!!!!! Hayuf sila. Kumpleto. Gumawa talaga ng taping island di ba??
https://www.facebook.com/suzette.doctolero.7/posts/10157872564063941
“At dahil pang world market ang puntirya kaya nagpundar sila nang mamahaling mga camera at kagamitan, ng mga malakaki at state of the art studios, pinag aral din nila ang mga artist nila ng film making, magaganda at malakaki ang mga film school doon, pinondohan din para lumaki ang mga budget. Dahil ito sa gobyerno!
“E dito? Nganga. Walang pake ang gobyerno. Busy sila sa ibang mga bagay. Tila wala rin naman yatang ginagawang mga batas para sa industriya ang mga artista na mga pulitiko na now?
“Tapos kasalanan naming mga taga industriya? Na ang market lang namin ay ang super loyal na masa? Kaya syrempre, thru ratings, nakikita kung ano ang gusto nilang panoorin?”
Meanwhile, RJ Nuevas seemingly echoed Doctolero’s view on Pinoy viewers.
Nuevas used the metaphor of a small bakery selling pandesal and a posh one selling cheesecake.
https://www.facebook.com/arjay.nuevas/posts/3997977840242484
In comparing the two, Nuevas wanted to convey what Doctolero has said that Pinoy teleserye’ cannot keep up with k-dramas because we lack the budget and we lack patronage from people except the masa who will always prefer the same old classic Pinoy drama.
“Gagawa ka pa ba ng cheesecake na mahal ang puhunan at hindi nabibili sa baryo mo? Or patuloy kang gagawa ng pandesal dahil iyon ang hinahanap ng mga kababaryo mo? Kayo? Ano ang gagawin n’yo?”