Superstar Nora Aunor reacted to Lolit Solis throwing shade at her regarding her former husband Christopher De Leon dealing with COVID-19.
“Biro ko nga, kung si Nora Aunor nalagpasan mo at kinaya si corona virus pa hindi naman siya superstar. Joke joke. Basta alam ko kakayanin ito ni Christopher with flying colors,” Lolit said of De Leon’s current condition.
In an interview with PUSH, the Superstar recalled that Lolit, who manages Christopher, was once close to her several years ago.
“Ang masasabi ko lang ay alam ko na may pinagsamahan kami ni Lolit Solis noong araw lalo na noong nakatira pa ako sa Valencia. Isa siya sa mga taong naging malapit sa puso ko at pinagkatiwalaan noong araw.
“Sabagay, matagal na nga naman yon…Valencia days pa. Maaaring hindi na naaalala ni Lolit Solis yon.
“Pero bakit yong ibang naging kaibigan ko noon sa press na nabubuhay pa hanggang ngayon na naging malapit sa akin hindi nakakalimot kung anong pinagsamahan namin noong araw? Baka di na nya maalala.
“Marami pa akong dapat ikuwento tungkol sa napakagandang naging samahan namin ni Lolit Solis pero hayaan nalang natin siya. Nakakalungkot lang isipin na si Lolit Solis pa na mula noon hanggang ngayon ay hindi nawala ang RESPETO ko.”
Nora insisted that she treated Lolit with the same love and respect she showed other reporters.
“Minahal ko siya tulad ng iba pang mga reporters na naging malapit sa akin noong araw hanggang ngayon. Minahal ko ang isang Lolit Solis bilang isang tunay na kaibigan.
“Para kay Lolit Solis… Ano nga bang tawag ko sa iyo noon? Lolit, ate Lolit, Bok o kung ano man… Kung nakalimutan mo na ang mga pinagsamahan natin noong araw, ako hindi. Kailanman hindi ko ito maaaring kalimutan.
“Hindi nawawala ang respeto ko sa iyo hanggang ngayon bilang isang naging totoo kong kaibigan.
https://www.youtube.com/watch?v=43uPuIsod5A
She offered a prayer for Lolit to be always safe.
“Ipapanalangin ko pa rin sa TAAS na sana ay maging ligtas ka sa araw araw. Patuloy ka nawang ingatan ng ating PANGINOON sa lahat ng mga ginagawa mong patuloy na pagtulong hindi lamang sa iyong sariling pamilya kundi sa mga artistang minamanage mo.
“Subaybayan ka nawa lagi sa mga ginagawa mong pagtulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahong ito.”
She also prayed for the fast recovery of Christopher from COVID-19
“Hangad ko rin ang paggaling ng alaga mong si Papa Boyet. PRAYERS para sa kanyang kaligtasan, ganoon din sa iyo dahil mahal ko kayo at siyempre sa kaligtasan ng lahat ngayong may krisis tayong pinagdadaanan .Please keep safe po,”
Christopher has already been discharged from the hospital and continued with a 14-day home quarantine. Her wife, Sandy Andolong, came out negative.