Very successful ang Love x Romance concert ng Pop Balladeer na si Ronnie Liang sa Music Museum, November 8.
Nagpamalas si Ronnie ng kanyang kahusayan sa pagkanta. Sa opening pa lang ay tuwang-tuwa ang fans dahil binanatan n’ya ang Michael Buble medley. Swak na swak ang Buble songs kay Liang.
Sa kanyang 12 years sa music industry, hindi pa rin nababago ang kanyang boses. Mas may kontrol at power. Makikita mo talaga na hindi binabayaan ng singer-actor ang kanyang boses.
Pinainlab din n’ya ang Music Museum sa awiting “Basta’t Kasama Kita,” “Nandito Ako,” at “Ikaw” na binigyan ng tagalog at Korean version.
Nagdagdag entertainment sina Ella Cruz na swabeng swabe humataw at Janine Teñoso na swabeng kumanta.
Ang pinakabongga ay ang pagsuporta ng nag-iisang Sarah G sa concert ni Liang. Kumanta ang dalawa ng “Shallow” at “Liwanag,” na bagong collab song ng dalawa na available na sa Spotify at other digital music platforms.
Kind words ang narinig kay Sarah, puring-puri n’ya si Liang at sinabi pang, “Kapag magkaka-anak ako, gusto ko kamukha ni Ronnie Liang, ang gwapo na, ang ganda pa ng boses. Walang halong biro po ‘yun.”
Kinilig ang Pop Balladeer sa sinabing iyon ng Popstar Royalty.
“I’m very grateful kay Sarah G. She’s very kind and humble. Lagi n’ya akong pinupuri, coming from her di ba. Sinabi ko talaga noon kay Boss Vic na gusto ko s’yang makasama sa concert. Ito na nga, nangyari na,” pahayag ni Liang.
“I love you, Ronnie Liang!” sigaw ni Sarah bago lisanin ang stage. Sumagot naman si Ronnie, “I love you too, Sarah G!”
Ang “Love x Romance” ay concert ni Ronnie Liang bilang selebrasyon ng kanyang ika-12 sa music industry. Marami pang dapat abangan sa kanya from his music and acting career.
Malapit na rin s’yang magtapos bilang piloto at very soon ay makakalipad na. Pangarap n’yang isakay sa eroplano ang kanyang pamilya.