- In an effort to give back, ABS-CBN will be giving away house and lot to lucky viewers
- The “Masaganang Pa-Thank You Year 2” promo starts this April
- Apart from the house and lot, ABS-CBN TVplus will also give away brand new phones, pangkabuhayan showcase, gift certificates, and 15 ABS-CBN TVplus boxes
- Raffle draws will be on April 30, May 31, and July 1
Maswerteng mabibiyayaan na naman ng bahay at lupa ang ilang manonood ng ABS-CBN TVplus bilang pasasalamat sa lahat ng tumatangkilik sa ‘mahiwagang black box’ matapos makabenta ang ABS-CBN ng 7 milyong TVplus box.
Tatlong TVplus users ang maaring magkaroon ng bagong house and lot mula sa Vista Land ngayong taon kapag sumali sa “Masaganang Pa-Thank You Year 2” promo na magsisimula ngayong Abril.
Bukod sa tatlong house and lot, mamimigay din ang ABS-CBN TVplus ng 1,200 MyPhone MyA11 units para may bagong smartphone ang pamilya, 120 Panasonic 32” LED Television para sama-samang manood ng palabas ang buong pamilya, 90 Boardwalk Negosyo Kit worth P4,000 each na bagong pangkabuhayan showcase, 72 Octagon Gadget Gift Certificates worth P5,000 each, at 15 ABS-CBN TVplus box na may kalakip na 1-year free access to KBO.
Kailangan lamang mag-register via text ang lahat ng nais magkaroon ng bagong bahay, TV, gadget, at negosyo. Para sumali sa promo, i-text ang JOIN <TVplus box ID>/<name>/<address> at i-send sa 2366 (open to all mobile networks). Isang beses lamang pwedeng i-rehistro ang TVplus box ID or hanggang tatlong TVplus box ID ang maaring i-rehistro sa isang SIM. Magaganap naman ang raffle draw sa mga araw ng April 30, May 31, at July 1, 2019. Bukas ang promo sa lahat ng TVplus box users (new or existing).
Noong 2018, isang driver at kusinerong naging biktima ng sunog ang mapalad na nabigyan ng ABS-CBN TVplus ng bagong house and lot.
Ang ABS-CBN na nagtra-transition ngayon para maging isang digital company, ang unang media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television (DTT) gamit ang ABS-CBN TVplus para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.
Kabilang sa signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, at Batangas.