Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mas mabuting umalis ka na lang sa isang sitwasyon lalo na kung wala ka naman talagang kinalaman dito at nadamay ka lang.
Love:
Singles: Darating din ang taong para sa iyo. I-enjoy mo na lang muna ang pagiging single mo sa ngayon.
Career:
Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Bigyan mo ang sarili mo na makapag-relax.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 14 24 56 28 46 35
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magpahinga ka muna ngayong araw. Matulog ka kung kailangan para naman makabawi ang iyong katawan.
Love:
Couples: Pagkakataon mo na para bumawi sa iyong partner, lalo na kung ilang araw ka ring naging pasaway sa kanya.
Career:
Mukhang magiging maganda ang status ng iyong career kaya naman magsaya ka.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 34 1 3 37 20 33
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong maliitin ang ibang tao. Expert ka man sa isang bagay, posible pa rin na maging mas magaling sila sa iyo.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner kung meron kang gustong linawin sa kanya. Huwag kang manghula.
Career:
Gawin mo ang lahat para makuha mo ang goals mo. Huwag mong hayaang pigilan ka ng ibang tao.
Lucky color: Dark violet
Lucky numbers: 43 45 24 46 30 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may malaking chance na hindi ka mainvite sa isang event dahil feeling nila ay mabo-bore ka lang.
Love:
Singles: Huwag mong babaan ang tingin mo saiyong sarili. Marami kang pwedeng ipagyabang sa ibang tao.
Career:
Huwag ka madiscourage kaagad. Tiyak na darating din ang tamang panahon para sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 4 56 45 34 21 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo muna iwan ang isang bagay lalo na kung hindi pa ito tapos. Ituloy mo ito bago ka magproceed sa iba.
Love:
Couples: Ipakita mo sa iyong partner ngayong araw kung gaano siya kaspecial sa iyo. I-treat mo siya para naman sumaya siya.
Career:
Magbasa-basa ka para naman magkaroon ka ng mga bagong ideas na makakatulong sa iyong trabaho.
Lucky color: Gray
Lucky numbers: 2 43 40 21 50 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago mo gawin ang isang bagay, tiyakin mo muna na hindi masasayang ang oras at pagod mo rito. Mag-isip-isip ka muna.
Love:
Couples: Mukhang marami kang dapat na sabihin sa iyong partner. Huwag mo na ito itago pa sa kanya.
Career:
Huwag ka na mahiya na gawin ang isang bagay, lalo na kung magandang idea ito.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 52 43 19 7 46 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang malalaman mo naman ang nais ng isang tao ngayong araw, kaya kung kaya mo itong ibigay, gawin mo ito.
Love:
Singles: Subukan mong ishare sa isang tao ang iyong mga hilig at baka may chance na magustuhan niya rin ang mga ito.
Career:
Gawin mo ang best mo sa iyong mga gawain para naman wala kang pagsisihan sa huli.
Lucky color: Gold
Lucky numbers: 58 11 1 12 42 53
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo gawin ang isang bagay lalo na kung alam mo na hindi ito maganda. Huwag kang magpapressure sa sasabihin ng iba.
Love:
Singles: Maging honest ka lang sa iyong sarili. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa isang tao lalo na kung napepressure ka lang.
Career:
Sundin mo ang advice sa iyo ng isang tao, lalo na kung may point naman talaga siya.
Lucky color: Gray
Lucky numbers: 36 24 6 20 11 35
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang dapat na baguhin sa iyong sarili, gawin mo ito kung sa tingin mo ay makakabuti ito sa iyo.
Love:
Couples: Tiyak naman na maiintidihan ka ng partner mo, kaya huwag ka masyadong magworry sa gagawin mo.
Career:
Kung gusto mo talagang magkatotoo ang mga goals mo, huwag mo na hintayin pa na sabihan ka pa ng ibang tao.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 33 49 56 34 58 47
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi lahat ay kailangan mong malaman. Mas hindi ka maiistress kung wala kang alam tungkol sa isang bagay.
Love:
Singles: Bigyan mo ng second chance ang isang tao, lalo na kung pinakita niya na talagang nagbago na siya.
Career:
Mas magiging stress-free ang buhay mo kung masaya ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 29 1 20 52 40 50
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag kang mahiya na humingi ng tulong sa dating kakilala, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Kung ayaw mong pag-usapan ang isang bagay, subukan mong mag-change topic para makaiwas ka kaagad.
Career:
Huwag mong maliitin ang magagawa mo dahil tiyak na may kakayahan ka.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 35 8 34 23 3 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang marami kang matatapos ngayong araw, kaya naman mababawasan na rin ang mga dapat mong gawin bukas.
Love:
Couples: Huwag mo na itago ang isang bagay sa iyong partner dahil tiyak na malalaman niya rin ito sa iba.
Career:
Huwag mong bibiguin ang expectations sa iyo ng ibang tao, dahil malaki talaga ang tiwala nila sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 35 8 34 23 3 17