Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang mapaghahandaan mo naman ang isang bagay na darating, pero tiyak na masosorpresa ka pa rin ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong madaliin ang iyong partner. Maghintay ka na lang dahil mabagal talaga siya kumilos.
Money/Career:
Para mabawasan ang stress mo sa trabaho, makinig ka na lang sa playlist mo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 31 1 14 4 5 40
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kailangan mo munang magtiwala sa ibang tao ngayong araw, lalo na kung sila lang talaga ang makakagawa ng mga bagay na gusto mo.
Love:
Couples: Kung may napapansin kang kakaiba sa iyong partner, tanungin mo siya tungkol dito para malaman mo kung bakit.
Money/Career:
Huwag mong isara ang iyong pag-iisip. Makinig ka sa suggestion ng ibang tao at baka naman may point talaga sila.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 13 5 3 37 28 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Gamitin mo ang iyong natutunan para maging advantage mo laban sa iba. Panahon na para umangat ka sa kanila.
Love:
Couples: Kung gusto mo ng space muna sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner at baka pagbigyan ka niya.
Money/Career:
Kung hindi mo pa kayang sabihin sa ibang tao ang iyong nalaman, huwag mo muna gawin ito para hindi ka mastress.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 28 31 36 20 41 21
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Dapat ay alam mo talaga kung ano ang gusto mo, para naman makapagfocus ka na lang dito at hindi masayang ang oras mo.
Love:
Couples: May mga pagbabago talagang darating sa inyong relasyon, kaya naman huwag mo na masyadong istress pa ang iyong sarili.
Money/Career:
Huwag mo masyadong isipin ang sasabihin ng ibang tao, lalo na kung alam mong tama naman ang ginawa mo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 43 29 28 38 16 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may dapat kang baguhin sa isang bagay, gawin mo na agad ito lalo na kung feeling mo magiging maganda naman ang resulta nito.
Love:
Couples: Bigyan mo ng chance para bumawi ang iyong partner, lalo na sa mga panahon na naging busy sa masyado.
Money/Career:
Makining kang mabuti sa mga payo na sasabihin sa iyo ng iyong mga kapatid.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 42 15 11 26 36 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo kayang masiguro ang isang bagay sa ibang tao, at least gumawa ka ng paraan para hindi sila masyadong mag-alala.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw, lalo na kung gusto mo talagang magpapansin sa iba.
Money/Career:
Linisin mo ang iyong work space para naman gumanda-ganda naman ang mood mo.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 46 23 4 45 34 43
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo na masyadong kulitin ang isang tao ngayong araw. Bigyan mo siyang time para naman hindi siya ma-annoy sa iyo.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner. Madalas lang talaga na lutang ang pag-iisip niya.
Money/Career:
Makinig kang mabuti sa sasabihin ng iyong ina, lalo na kung palagi na lamang may mali sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 32 34 4 5 18 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Para lalong mapabilis ang iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iyong best friend.
Love:
Couples: May malaking chance na masorpresa ka sa gagawin ng iyong partner ngayong araw, pero huwag mo masyadong taasan ang expectations mo.
Money/Career:
Mukhang kitang-kita na sa mukha mo na stressed ka. Magpahinga ka na lang muna ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 48 14 2 33 10 43
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Paghandaan mo na agad ang isang bagay para hindi ka na malito kung ano-ano ang mga kailangan mong gawin.
Love:
Couples: Subukan mo munang lumayo sa partner mo kung napapansin mo na palagi ka na lang niyang sinisisi sa mga bagay-bagay.
Money/Career:
Panahon na para magdonate ka naman sa ibang tao. Ibigay mo na sa iba ang mga gamit na nakatambak na lamang.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 42 11 47 16 19 34
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Simulan mo na agad ang isang bagay pagkatapos mo gumising, para naman matapos mo ito kaagad.
Love:
Singles: Kung galit ka sa isang tao, ipakita mo ito sa kanya. Baka naman kasi wala siyang idea na ganyan pala ang nararamdaman mo.
Money/Career:
Linisin mo ang desk mo para naman makita mo ang mga bagay na hinahanap mo.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 30 12 17 31 27 44
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Wala kang magagawa kung iyon lang talaga ang kaya mong ibigay. Tiyak naman na maiintindihan ka ng ibang tao.
Love:
Singles: Subukan mo munang lumayo sa ibang tao lalo na kung gusto mo talagang makapag-isip-isip muna.
Money/Career:
Hindi lahat ay agree sa sinasabi mo, pero kailangan mo pa ring panindigan ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 2 19 30 48 18 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung feeling mo ay hindi mo kayang gawin ang isang bagay, tanggihan mo na agad ito para naman hindi na umasa pa ang iba.
Love:
Couples: Kumapit ka lang. Mahirap talaga ang sitwasyon kapag parehas kayong may pinoproblema. Magiging maayos din ang lahat sa huli.
Money/Career:
Makinig ka sa sinasabi ng iyong katawan. Kung kailangan mo ng pahinga, gawin mo ito para hindi ka magkasakit.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 6 19 33 35 5 23