Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung naguguluhan ka tungkol sa isang bagay, magtanong ka sa iyong mga close friends at baka may maipayo silang maganda sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka muna gumawa ng isang pangako sa partner mo, lalo na kung hindi mo naman ito kayang tuparin.
Career:
Marami ka namang ideas, pero nahihirapan kang gawin ang mga ito dahil wala masyadong sumusuporta saiyo.
Lucky color:
Lucky numbers: 11 6 10 35 39 31
Taurus (Apr 20 – May 20)
Determinado ka na gawin ang isang bagay, kaya huwag ka na makinig pa sa pwedeng sabihin ng ibang tao tungkol dito.
Love:
Singles: Galingan mo ang pagdiskarte mo sa isang tao, lalo na kung gusto mo talagang mahulog ang loob niya sa iyo.
Career:
Huwag mo tanggihan ang isang tao, lalo na kung maganda naman ang intention niya.
Lucky color:
Lucky numbers: 26 18 7 24 47 41
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magbubunga na rin ang pag-eeffort mo sa isang bagay, lalo na kung binigyan mo ito ng maraming oras.
Love:
Singles: Kung gusto mo siya, huwag kang mahiyang iapproach siya. Mas maganda na malaman niya na nag-eexist ka.
Career:
Kaya mo namang magfocus sa iyong mga gawain, lalo na kung walang tao ang iistorbo sa iyo.
Lucky color:
Lucky numbers: 20 45 12 48 41 37
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magbehave ka kapag nasa isang public place ka. Huwag ka gumawa ng eksena dahil ikaw lang din ang mapapahiya sa huli.
Love:
Singles: Sumama ka sa mga party na pupuntahan ng iyong mga kaibigan para naman marami kang makilalang tao.
Career:
Kung gusto mong gumanda ang tingin ng ibang tao sa iyo, dapat ay lagi mong ginagawa ang iyong best.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 45 50 39 16 55 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna magsalita tungkol sa isang bagay dahil may chance na may taong magalit sa mga maaari mong masabi.
Love:
Singles: Maging proud ka sa mga bagay na gusto mo, lalo na kung nagiging masaya ka talaga sa mga ito.
Career:
Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga ginagawa para wala kang tao na maoffend.
Lucky color:
Lucky numbers: 22 41 26 31 18 48
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo muna pautangin ang isang tao ngayong araw dahil may malaking chance na hindi ka niya mabayaran on time.
Love:
Singles: Huwag mo na hintayin pa na lapitan ka ng tao para kausapin mo siya. Ikaw na mismo ang gumawa ng first move.
Career:
Mukhang may chance na makakuha ka ng pera ngayong araw, kaya naman magkakaroon ka ulit ng budget.
Lucky color:
Lucky numbers: 32 15 13 26 31 53
Libra (Sep 23 – Oct 22)
I-check mo ang iyong mga messages dahil baka meron kang nakalimutan na gawin at maaaring masira ang araw mo dahil dito.
Love:
Singles: Magfocus ka sa mga bagay na special sa isang tao at huwag mo na masyadong isipin ang kanyang mga short comings.
Career:
Magrelax ka lang at huwag agad iinit ang ulo mo para makapag-isip ka ng matino.
Lucky color:
Lucky numbers: 24 54 58 49 44 46
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Bago mo gawin ang isang bagay, pag-isipan mo muna itong mabuti para na rin hindi ka masabihang reckless ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero mas magandang huwag mo muna siya bigyan ng atensyon sa ngayon.
Career:
Huwag kang matakot na abutin ang isang bagay, dahil mukhang kaya mo naman ito. Maniwala ka sa iyong kakayahan.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 52 15 24 43 55 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Panahon na para gawan mo ng paraan ang isang problema para hindi na rin ito masyadong lumala pa.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mag-expect ng mataas sa isang tao para hindi ka rin masaktan sa huli.
Career:
Magtiis ka na lang muna at huwag mong hayaan na masira ang araw mo dahil lamang sa isang tao.
Lucky color:
Lucky numbers: 58 49 6 24 37 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong malikot ngayong araw dahil may malaking chance na may tao kang masaktan.
Love:
Singles: Huwag mo na tanggihan ang invitation ng isang tao, lalo na kung gusto niya talagang makasama ka.
Career:
Huwag ka matakot na magsimula ng isang business, lalo na kung marami naman ang tutulong sa iyo.
Lucky color:
Lucky numbers: 31 35 56 44 43 36
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may opportunity na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Love:
Singles: Kung alam mo naman ang ginagawa mo, hindi mo kailangang mag-alala masyado para hindi ka na mastress pa.
Career:
Mag-invest ka ng time sa iyong mga gawain para naman maging successful ang mga ito.
Lucky color:
Lucky numbers: 43 34 44 4 23 39
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang panahon na para tuparin mo ang mga ipinangako mo sa iyong sarili na gagawin mo bago matapos ang taon.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong magrush sa iyong mga gawain lalo na kung ginagawa mo ito para sa isang tao.
Career:
Huwag mo pagurin ang sarili mo ngayong araw, dahil tiyak na mas marami ka pang gagawin bukas.
Lucky color:
Lucky numbers: 38 6 19 1 11 31