Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo muna madaliin ang isang bagay dahil may malaking chance na magkamali ka rito at masasayang lang ang effort mo.
Love:
Singles: Mukhang lilipad ang isip mo ngayong araw at mapapansin ito ng iyong kaibigan kaya pwede ka niya mapagtripan.
Career:
Mukhang magiging maganda ang araw mo ngayon dahil lalapit sa iyo ang swerte.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 43 4 10 28 55 40
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kahit na alam mong mali ang ginagawa mo, hindi mo pa rin ito matanggal sa iyo ng sistema dahil nakasanayan mo na ito.
Love:
Singles: Huwag mo na isipin ang nangyari sa nakaraan. Magfocus ka na lamang sa mga maaaring mangyari sa ngayon.
Career:
Kung kailangan mong lakasan ang boses mo para makinig sa iyo ang iba, gawin mo ito.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 28 43 13 2 49 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi naman lahat ng tao ay kayang sumunod sa mga sinasabi mo. Matutong makiramdam para wala kang maoffend.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa sigurado sa iyong desisyon, huwag ka muna magpasya para wala kang pagsisihan.
Career:
Walang may gusto na gawin ang isang mahirap na bagay, kaya ikaw na lang ang umako nito.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 30 37 19 22 13 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang ikaw lang ang may kakayahan para gawan ng paraan ang isang bagay, kaya naman marami ang hihingi ng tulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung lumalayo sa iyo ang partner mo, marahil ay may nagawa kang mali sa kanya nang hindi mo namamalayan.
Career:
Huwag ka kaagad magpapaniwala sa mga sasabihin ng iba lalo na kung gusto lang nilang makuha ang loob mo.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 30 7 12 54 53 39
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magfocus ka na lamang muna sa mga bagay na madali mong matatapos para naman marami kang magawa ngayong araw.
Love:
Singles: Okay lang naman na mag-alala ka sa isang bagay, pero huwag masyado at baka ma-stress ka lang.
Career:
Mukhang mahihirapan kang gumawa ng desisyon lalo na kung may tao talaga na magagalit sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 13 31 18 52 30 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Tanggapin mo na lamang na may mga bagay ka talaga na hindi mo magagawa nang mag-isa. Huwag ka na kasi mahiya humingi ng tulong sa iba.
Love:
Singles: Huwag kang mahiya na i-discuss sa isang tao ang iyong naging experience, lalo na kung nakokonsensya ka tungkol dito.
Career:
Iwasan mo na lang ang isang tao ngayong araw lalo na kung ayaw mong masira ang mood mo.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 8 14 30 7 29 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi mo maiiwasan na magkaroon ng problema ngayong araw at may chance na ibang tao ang may gawa nito.
Love:
Singles: Huwag mo ipursue ang isang tao dahil lang sa bored ka. Makakasakit ka lang kung gagawin mo ito.
Career:
Mas mabuting gawin mo na agad ang iuutos sa iyo para hindi na uminit pa ang ulo ng ibang tao sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 14 52 21 48 13 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mahihirapan ka na gawan ng paraan ang isang bagay ngayong araw dahil talaga namang hindi mo ito gamay.
Love:
Singles: Kahit na maayos naman ang iyong ginawa, mukhang hindi pa rin ito sapat para mapansin ka ng isang tao.
Career:
Huwag kang makialam sa isang problema lalo na kung wala ka namang kinalaman dito.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 13 21 18 11 19 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang gusto pero hindi ito maibigay ng isang tao, huwag ka na magreklamo. Ikaw na ang gumawa ng paraan para makuha ito.
Love:
Singles: Mukhang mahihirapan kang tanggihan ang isang tao, lalo na kung nahuhulog ka sa kanyang charisma.
Career:
Nasa iyo ang kakayahan para mapabilib ang ibang tao. Kailangan mo lang na magtiwala sa iyong sarili.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 40 44 7 51 19 39
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung sa tingin mo ay sapat na ang ginawa mong paghihintay, pwede mo na itong itigil para hindi ka na umasa pa.
Love:
Couples: Huwag ka kaagad mastress sa partner mo. Sanayin mo na ang sarili mo dahil tiyak na magiging pasaway siya.
Career:
Huwag mong sabihin sa iba kung paano dapat nila ginagawa ang trabaho nila.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 21 1 17 33 43 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magfocus ka sa pagkakaparehas ninyo kaysa sa inyong pagkakaiba. Mas mabuting maging positive ka mag-isip.
Love:
Singles: Kung wala namang care sa iyo ang isang tao, huwag ka na gumawa ng effort para sa kanya dahil sure naman na hindi niya ito papansinin.
Career:
Mukhang masusubukan ang pasensya mo ngayong araw kaya naman maghanda ka.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 29 34 8 30 15 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Panahon na para sabihin mo sa isang tao ang isang bagay kahit pa na may chance na magalit siya rito.
Love:
Couples: Hindi mo man maintindihan ang ginagawa ng partner mo, isipin mo na lang na meron siyang balak na isurprise ka.
Career:
Bago mo ituloy ang isang bagay, siguraduhin mo muna na tama ang gagawin mo.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 44 53 42 48 39 21