Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, diretsyuhin mo na siya at huwag ka na magpaligoy- ligoy pa.
Love:
Singles: Mukhang may taong magkakagusto sa iyo lalo na kung dadalasan mo talaga ang pagngiti mo.
Career:
Maging kalmado ka lang. Mas makakapag-isip ka nang maayos kung hindi ka galit.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 24 14 1 13 35 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong kalimutan ang iyong pinangako sa isang tao. Tuparin mo ito para naman hindi ka masabihang paasa.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong umasa sa iyong partner. May mga bagay din siya na dapat niyang asikasuhin kaya dapat ay maging independent ka.
Career:
Kung walang sense ang iyong kausap, mas mabuting ikaw na mismo ang lumayo sa kanya.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 15 23 3 14 36 40
Gemini (May 21 – Jun 20)
Marami ka namang pwedeng gawin para maayos ang isang bagay, pero piliin mo na lang ung way na hindi masyadong time consuming.
Love:
Singles: May malaking chance na yayain ka ng crush mo na kumain sa labas, lalo na kung wala siyang ibang pwedeng kasama.
Career:
Mukhang marami kang matatapos ngayong araw kaya naman hindi ka masyadong papagalitan ng iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 2 20 42 43 33 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang kailangan mo munang magpass sa isang bagay lalo na kung kailangan na kailangan ka ng iyong kaibigan.
Love:
Couples: Kumapit ka lang. Makakaranas ka talaga ng problema sa inyong relasyon, pero lilipas din ito kaya habaan mo lang ang iyong pasensya.
Career:
Huwag mo masyadong pag-aksayahan ang isang bagay lalo na kung hindi naman ito importante.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 7 19 14 46 12 41
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para linawin mo ang isang bagay lalo na kung nakakaapekto na ito sa iyo o sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mag-alala sa iyong partner. May problema man siya sa ngayon, tiyak naman na makakagawa siya ng paraan para rito.
Career:
May malaking chance na hindi ka makapagfocus ngayong araw dahil masyadong marami ang gumugulo sa iyong isipan.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 10 40 32 33 13 41
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging positive ka lang ngayong araw. Magiging maayos din ang lahat kaya huwag ka na masyadong mapraning.
Love:
Singles: Huwag mong taguan ang isang tao, lalo na kung nahihiya ka lang na kausapin siya. Harapin mo siya at baka may gusto siyang sabihin sa iyo.
Career:
Kung may nagbigay sa iyo ng tip tungkol sa isang bagay, sundin mo ito at baka makatulong ito sa iyo.
Lucky color: Gold
Lucky numbers: 40 38 33 2 9 44
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang naman na tumulong ka sa ibang tao, pero siguraduhin mo muna na wala kang ibang gagawin bago mo ito simulan.
Love:
Singles: Mukhang hindi mo masyadong maiintindihan ang mga mangyayari ngayong araw, kaya naman magrelax ka lang para hindi ka maging awkward sa ibang tao.
Career:
Mukhang marami kang matatapos ngayong araw kaya naman magkakaroon ka ng oras para tumulong sa iba.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 28 7 15 40 27 42
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo muna gawin ang advice sa iyo ng isang tao dahil may malaking chance na hindi ito maging akma sa iyo.
Love:
Singles: Kung may balak ka na pumasok sa isang relasyon, dapat ay seryoso ka para naman hindi masayang ang oras ninyo.
Career:
Huwag ka masyadong umasa sa ibang tao dahil tiyak na ikaw lang ang mahihirapan sa huli.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 22 20 23 7 15 28
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magaling ka namang dumiskarte kaya madali mo lang malulusutan ang isang bagay lalo na kung marami ang hindi pamilyar dito.
Love:
Singles: Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, huwag kang mahiya sa kanya lalo na kung importante naman ang sadya mo.
Career:
Mukhang marami ang hahanga sa iyo ngayong araw lalo na kung masosolusyunan mo kaagad ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 47 30 26 8 34 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung ayaw mong madamay sa isang pagtatalo, mas mabuting huwag ka na muna makialam sa kanila.
Love:
Singles: Maging honest ka sa ibang tao. Huwag kang magpanggap dahil tiyak na matatanggap ka naman nila.
Career:
Puntahan mo na ang isang lugar na sinabi sa iyo ng isang kasama lalo na kung makakatulong naman ito para matapos mo ang iyong gawain.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 39 34 14 7 1 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung palaging awkward ang mga tao sa iyong paligid, subukan mong ayusin ang attitude mo sa kanila.
Love:
Singles: Kung hindi mo pa feel na pumasok sa isang relasyon, huwag mong pilitin ang iyong sarili para hindi ka mastress.
Career:
Huwag kang mahiyang magtanong lalo na kung may mga bagay ka na hindi maintindihan.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 3 40 49 28 45 31
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may malalaman kang lihim ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa iyong kaibigan.
Love:
Couples: Kung hindi ka pinayagan ng partner mo na umattend sa isang event, subukan mong pakiusapan siya ulit at baka pumayag na siya.
Career:
Huwag ka na lang makisama sa mga taong hanggang salita lang at kulang sa gawa.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 47 30 31 40 32 10