Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung afford mo namang bilhin ang isang bagay, bilhin mo na ito bago pa ka pa maubusan ng stock.
Love:
Couples: Kung may pinag-aawayan kayong dalawa ngayong araw, mas mabuting tapusin ninyo na agad ito at huwag na palakihin pa.
Career:
Mas mabuting magfocus ka na lang sa ibang bagay na talagang gusto mo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 52 31 49 46 11 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung wala ka naman talagang kinalaman sa isang bagay, huwag kang matakot na harapin ang mga taong umaakusa sa iyo.
Love:
Couples: Suportahan mo ang partner mo kung sa tingin mo ay tama ang kanyang ginagawa. Kung hindi naman, kausapin mo muna siya.
Career:
Huwag kang matakot na magshare ng ideas lalo na kung sa tingin mo ay makakatulong ito sa iba.
Lucky color: White
Lucky numbers: 25 22 34 48 8 50
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makukuha mo naman ang isang bagay ngayong araw pero kailangan mo munang habaan ang pasensiya mo. Matutong maghintay.
Love:
Singles: Hindi lang ikaw ang may issue kaya naman huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Huwag ka masyadong mapraning.
Career:
Walang duda na matatapos mo ang iyong mga gawain. Huwag ka lang magpapaistorbo sa ibang tao.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 30 7 40 50 45 37
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong kalimutan na magbigay ng credit sa isang tao, lalo na kung hindi naman talaga sa iyo nanggaling ang isang bagay.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makatuluyan mo ang isa sa iyong mga katrabaho. Mukhang may idea ka naman kung sino.
Career:
Huwag mo na lamang pakialaman ang gustong gawin ng isang tao lalo na kung hindi naman niya hinihingi ang tulong mo.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 22 53 25 26 17 47
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magtake ka ng notes ngayong araw dahil may malaking chance na makalimutan mo ang isang bagay na sasabihin sa iyo.
Love:
Couples: Kung masyadong toxic na ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para itigil ninyo ang inyong pagsasama.
Career:
Maging positive ka lang. Matatapos mo rin ang mga gawain na ibibigay sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 54 41 8 43 30 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo muna gawin ang isang bagay lalo na kung wala ka naman talagang alam tungkol dito. Mas mabuting humingi ka ng tulong sa iba.
Love:
Couples: Subukan mong isama sa isang activity ang iyong partner para naman hindi niya ma-feel na isinasantabi mo siya.
Career:
Huwag ka masyadong magpauto sa iyong mga kasama. Mas mabuting mag-isip ka bago mo sila sundin.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 34 44 13 20 35 51
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung gusto mong mapag-isa ngayong araw, gawin mo ito lalo na kung makakatulong ito para makapag-isip ka.
Love:
Singles: Kung nakakarelate ka sa isang tao, marahil ay mas mabuting iapproach mo siya lalo na kung medyo masama ang kanyang loob.
Career:
Kahit na marami kang naiisip na ideas, hindi naman ito pakikinggan ng iyong boss.
Lucky color: Dark violet
Lucky numbers: 29 8 36 37 47 43
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Bago mo gawin ang isang bagay, pag-isipan mo muna ito. Huwag ka kaagad gagawa nang hindi nag-iisip.
Love:
Singles: I-enjoy mo lang ang pagiging single mo. Tiyak na marami ka pang gustong gawin at subukan.
Career:
Kung paulit-ulit na lang ang ginagawa mo araw-araw, magsasawa ka rin sa mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 47 11 50 41 20 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magagawa mo namang tapusin ang iyong mga gawain ngayong araw kahit na late kang papasok sa iyong trabaho.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa partner mo, mas mabuting kausapin mo siya kaagad para hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Career:
Huwag kang mag-alala. Tiyak naman na marami ang susuporta sa iyong desisyong gagawin.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 36 11 8 14 5 44
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang muli mong maaalala ang isang pangyayari sa iyong nakaraan kaya naman may chance na maging moody ka ulit.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong magpastress ngayong araw dahil may malaking chance na mapapansin ito ng iba sa iyong mukha.
Career:
Mas lalo lang sasakit ang ulo mo sa trabaho kung pakikinggan mo ang mga reklamo ng iyong mga kasama.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 14 8 15 2 55 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Ugaliin mong tumingin sa orasan para naman maging aware ka kung dapat mo bang bilisan ang iyong mga kilos.
Love:
Couples: Para magkaintindihan kayo, makinig kayo sa isa’t-isa. Huwag sasabat kung nagsasalita pa ang isa.
Career:
Subukan mong gawin ang iyong naisip na diskarte at baka makatulong ito sa iyong mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 16 47 53 21 54 51
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong hintayin ang isang tao bago mo umpisahan ang iyong mga gawain para naman merong gagabay sa iyo.
Love:
Couples: Kung iiwas ka sa issue ninyo, mas magiging grabe lang ang problema at mas lalo kayong mahihirapan.
Career:
Huwag kang magpapaloko sa isang tao. May balak lang siya na lamangan ka.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 7 24 38 45 42 8