Aries (Mar 21 – Apr 19)
Para hindi ka mahirapan, subukan mong isa-isahin ang iyong mga problema para naman makapagfocus ka nang maiigi sa mga ito.
Love:
Couples: Subukan mo munang mag-isang gumala ngayong araw, para naman makapag-isip-isip ka tungkol sa inyong current situation.
Career:
Huwag ka matakot na gawin ang isang bagay lalo na kung feeling mo ay magiging successful ito.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 48 31 26 28 57 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi mo naman feel ang advice sa iyo ng ibang tao, may choice ka naman para hindi ito sundin.
Love:
Singles: Maging honest ka sa iyong sarili. Ikaw lang ang mahihirapan sa huli lalo na kung magpapanggap ka sa kanya.
Career:
Huwag ka masyadong demanding sa iyong mga kasama. Hayaan mo silang makapag-adjust.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 3 20 15 10 8 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi ka naman ganun ka busy, subukan mong tumulong sa iba para naman mapadali ang kanilang mga gawain.
Love:
Couples: Huwag mong pigilan ang partner mo sa kanyang gustong gawin, lalo na kung gusto niya talaga ito.
Career:
Kung feeling mo ay kaya mo namang pagkakitaan ang isang bagay, ipursue mo lang ito.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 32 26 35 50 5 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may makakaaway ka ngayong araw, pero huwag ka masyadong mag-alala dahil hindi naman ito magtatagal.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para paramihin mo ang iyong friends. Sumali ka sa mga online groups para marami kang makilala.
Career:
Kung iniiwasan ka ng ibang tao, alamin mo kung bakit para mabago mo ito.
Lucky color: Dark violet
Lucky numbers: 51 57 20 13 46 39
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung ayaw mong maulit ang nangyari kahapon, kumilos ka na at gumawa ka ng paraan. Walang magbabago kung tutunganga ka lang.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang iyong relasyon, huwag kayong mag-alala kung maninibago ka sa iyong partner.
Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para humingi ka ng raise sa iyong boss lalo na kung deserve mo naman ito.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 53 49 32 29 15 41
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May opportunity na paparating sa iyo. Dapat ay maging handa ka para naman ikaw ang makakuha nito.
Love:
Couples: Huwag mo na pakialaman ang isang bagay, lalo na kung may iba pang bagay na dapat mong inuuna.
Career:
Kung hindi ka makikiride sa iyong mga kasama, hindi mo makukuha ang kanilang loob.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 16 5 14 49 29 46
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi ka sigurado kung tama nga ba ang ginagawa mo, tingnan mo ang magiging reaksyon ng ibang tao rito.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para i-discuss mo sa iyong partner ang iyong nararamdaman sa kanyang current job.
Career:
Iconsider mo naman ang suggestions ng iyong mga kasama. Huwag laging sarili mo ang iyong iniisip.
Lucky color: Violet
Lucky numbers: 38 42 41 7 12 48
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Simplehan mo lang kasi ang iyong mga gawa para madali itong maunawaan ng ibang tao. Matutong mag-adjust para sa kanila.
Love:
Couples: Hayaan mo lang ang iyong partner lalo na kung medyo clingy siya sa iyo. Marahil ay namimiss ka lang talaga niya.
Career:
Huwag mo pilitin ang sarili mo na maging masaya sa isang bagay kung hindi naman ito totoo.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 8 2 58 41 46 56
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang mag-alala kung medyo mabagal ang progress mo ngayong araw. At least, kahit papaano ay meron kang nagagawa.
Love:
Singles: Maging positive ka lang palagi para naman hindi makita sa mukha mo ang stress na pumapaligid sa iyo.
Career:
May malaking chance na swertehin ka ngayong araw kaya okay lang na maging excited ka.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 35 38 30 39 4 44
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magkakaroon ka ng kakumpitensya ngayong araw. Galingan mo para naman ikaw ang mapansin ng mga tao.
Love:
Singles: Kung gusto mong mapag-isa muna, gawin mo ito lalo na kung gusto mo talagang makapag-isip.
Career:
Mukhang hindi ka makakapagfocus sa iyong mga gawain, lalo na kung masyadong delayed ang iyong mga kasama sa kanilang mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 44 7 28 4 41 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na hirap na hirap ka na sa iyong mga gawain, looking fresh ka pa rin para sa paningin ng ibang tao.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong choosy ngayong araw. Kung may taong magbibigay sa iyo ng isang bagay, magpasalamat ka na lang.
Career:
Huwag mo na hintayin pa na utusan ka ng ibang tao para gawin ang isang obvious na bagay.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 50 55 16 26 51 45
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magagawa mo ring lampasan ang obstacles mo sa buhay. Tibayan mo lang ang iyong loob at huwag agad susuko.
Love:
Couples: Kung merong advice sa iyo ang iyong partner, subukan mong sundin ito at baka may point naman talaga siya.
Career:
Huwag mo agad husgahan ang pagkakamali ng isang tao. Tanungin mo muna siya at baka may mali lang na nag-instruct sa kanya.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 19 5 32 28 25 58