Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung ayaw mong maipit sa isang sitwasyon na hindi mo gusto, mas mabuting umayaw ka na lang sa umpisa pa lang.
Love:
Couples: Ilaan mo ang araw na ito para sa iyong partner, lalo na kung mapapansin mong nagtatampo siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo na tapusin ngayong araw ang mga gawain na naiwan mo kahapon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo husgahan agad ang isang tao lalo na kung hindi mo pa naririnig ang side niya. Huwag kang padalos-dalos.
Love:
Couples: Subukan mong gumala kasama ng iyong mga kaibigan ngayong araw, pero huwag mong kalimutan na magsabi sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo gawing personal ang mga bagay na dapat ay nasa trabaho lang.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Okay lang na magcelebrate ka ngayong araw, pero huwag ka masyadong magyabang sa ibang tao at baka maasar lang sila sa iyo.
Love:
Singles: Mas mabuti kung ipapahinga mo muna ang iyong isip para naman makapagrelax ka ngayong araw.
Money/Career:
Intindihin mo na lang ang sitwasyon ng ibang tao lalo na kung nakikita mong nahihirapan sila.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Alam mo naman ang kailangan mong gawin, pero may malaking chance na tamarin ka sa mga ito kaya wala ka ring matatapos.
Love:
Singles: Subukan mo munang lumayo sa mga bagay na nagpapastress sa iyo. Mas mabuti na ito para gumanda kahit papaano ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Maging aware ka sa iyong paligid para naman hindi ka mapag-iwanan ng iyong mga kasama.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung sa tingin mo ay masasayang lang ang effort mo kung itutuloy mo ang isang bagay, mas mabuting itigil mo na ito at magsimula na lang muli.
Love:
Singles: Huwag mong ipagtabuyan ang isang tao lalo na kung gusto niya lang naman na makausap ka.
Money/Career:
Tiyak na marami ang hihingi ng tulong sa iyo ngayong araw dahil talaga namang magaling ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna masyadong umasa sa isang bagay, lalo na kung may rason din para hindi ito matuloy.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong nakalaan sa iyo sa isang fitness center o gymnasium.
Money/Career:
Kung feeling mo ay tama ang iyong gagawin, ituloy mo lang ito. Magtiwala ka sa iyong nararamdaman.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong humingi ng favor sa iyong kaibigan tungkol sa isang bagay at may malaking chance na pagbigyan ka niya.
Love:
Couples: Subukan mong patawanin ang iyong partner, lalo na kung napapansin mong malungkot siya ngayong araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong sariling business.
Lucky color: Brown
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong maliitin ang iyong kakayahan. Magtiwala ka sa iyong sarili at tiyak na magtatagumpay ka sa isang bagay.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para gumala kasama ng iyong mga kaibigan. Huwag mo ring kalimutan na ilibre sila.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, tiyak na may magagawa kang mali at kailangan mo itong itama kaagad.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi ka sigurado tungkol sa isang bagay, subukan mong humingi ng opinyon sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung gusto ninyo lang makalimot sandali sa inyong mga problema.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain para naman maging maliit ang chance na magkamali ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Bago mo gawin ang ibang bagay, unahin mo muna ang sa tingin mo ay importanteng matapos mo kaagad.
Love:
Couples: Huwag mo muna kulitin ang partner mo ngayong araw lalo na kung meron siyang inaasikaso na kailangan niyang matapos.
Money/Career:
Kung feeling mo ay may tinatago ang ilang tao sa iyo, subukan mong harapin sila para matakot sila at aminin nila ito sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang kung nag-eeffort ka sa isang bagay, pero tandaan mo na kailangan mo rin ng pahinga paminsan-minsan.
Love:
Couples: Subukan mong kulitin ang iyong partner ngayong araw at baka pumayag siya sa mga bagay na gusto mo.
Money/Career:
Kahit na mahirap lapitan ang isang tao, kailangan mo pa rin itong gawin kung gusto mong may matapos ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Bago mo asikasuhin ang ibang tao, alagaan mo muna ang iyong sarili para naman magkaroon ka ng lakas.
Love:
Singles: Subukan mong sumali sa mga group na parehas mo ng hobby at baka magkaroon ka ng mas maraming kaibigan.
Money/Career:
Huwag kang matakot na sabihin sa ibang tao ang iyong nararamdaman, lalo na kung naiirita ka minsan sa kanila.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 25

