Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi lahat ng bagay ay umiikot sa iyo. Huwag ka mag-isip na palagi kang iintindihin ng mga tao sa iyong paligid.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, subukan mo siyang yayain sa isang dinner ngayong araw at baka pumayag siya.
Money/Career:
Mukhang may taong iistorbo sa iyo ngayong araw, kaya mas mabuting umiwas ka na lang sa kanya.
Lucky color: Violet
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi mo kayang kontrolin ang isang bagay, hayaan mo na lang ito na mangyari lalo na kung wala ka naman talagang magagawa.
Love:
Singles: Kung may balak kang pumasok sa isang relasyon, bigyan mo muna ang iyong sarili ng panahon para makapag-isip at maging sigurado.
Money/Career:
Kung kontra ka sa pinapagawa sa iyo at sa tingin mo ay nasa rason ka naman, huwag kang matakot na sabihin ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging kumplikado para sa iyo ang araw na ito. Kailangan mong humanap agad ng paraan para hindi maging malala ang iyong sitwasyon.
Love:
Singles: Subukan mong sumama sa isang family gathering para naman makita mo ulit ang ilan sa iyong mga kamag-anak.
Money/Career:
Okay lang na magsipag ka sa iyong trabaho, pero dapat ay binibigyan mo rin ang iyong sarili ng pahinga.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may matatanggap ka na balita ngayong araw na talagang ikagugulat mo. Maging handa ka para rito.
Love:
Couples: Okay lang naman na pagbigyan mo ang iyong partner sa kanyang gusto, pero huwag mo siya pagbibigyan palagi.
Money/Career:
Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Huwag kang makikinig sa mga taong may duda sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may chance na malaman mo na kung ano ang totoo tungkol sa isang bagay. Irelax mo na lang muna ang iyong sarili.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong trying hard lalo na kung gusto mong mapansin ka ng taong nagugustuhan mo.
Money/Career:
Huwag mo na lamang madaliin ang isang bagay, dahil malaki ang chance na magkamali ka rito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung tutol ka sa sinasabi ng iba, dapat ay magpaliwanag ka para naman magkaintindihan kayong lahat.
Love:
Singles: Kung gusto mong gumaan ang loob ng isang tao sa iyo, subukan mo siyang patawanin palagi.
Money/Career:
Pakinggan mo rin ang sasabihin ng ibang tao sa iyo at baka may point naman sila.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may balak kang simulan na business, subukan mong kunin ang opinyon ng iyong pamilya tungkol dito bago mo ito pagplanuhan.
Love:
Couples: Magtiwala ka lang sa mga desisyon na gagawin ng iyong partner, dahil mukhang alam naman niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Kung masyadong masakit ang iyong ulo, marahil ay panahon na para magpahinga ka muna ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Suportahan mo na lang muna ang iyong kaibigan ngayong araw, lalo na kung hindi talaga maganda ang nangyayari sa kanya.
Love:
Singles: Kung wala ka talagang gusto sa isang tao, mas mabuting lumayo ka na lang para hindi na siya umasa pa.
Money/Career:
Huwag mong pabayaan ang iyong katawan. Dapat ay bawas-bawasan mo na ang ang iyong pagpupuyat.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Alam mo naman ang kailangan mong gawin, kaya huwag ka na gumawa ng ibang paraan at baka masira pa ang iyong mga plano.
Love:
Couples: Ilaan ninyo ang araw na ito para sa isa’t-isa. Malay mo, may matutunan kang bago tungkol sa iyong partner.
Money/Career:
Kahit na hindi ka pumasok sa trabaho, tiyak na kukulitin ka pa rin ng iyong mga kasama lalo na kung ikaw lang ang maaasahan nila.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas mabuting pag-usapan ninyo na lang ang isang bagay para matapos na ito. Huwag ninyo na ito dedmahin pa.
Love:
Couples: Kung hindi gusto ng iyong partner ang ginagawa mo, subukan mong mag-explain sa kanya nang mabuti para maintindihan niya.
Money/Career:
Magfocus ka mga bagay kung saan ka magaling. Idevelop mo ang mga ito para magamit mo sa iyong advantage.
Lucky color: Silver
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka lamang mag-expect masyado ngayong araw, para hindi ka masyadong madisappoint sa iyong mga malalaman.
Love:
Singles: Kung nakukulitan ka sa isang tao, sabihin mo ito sa kanya para naman kahit papaano ay tigilan ka na niya.
Money/Career:
Mas mabuting magfocus ka na lamang sa iyong trabaho at bawas-bawasan mo ang pakikipagkwentuhan sa iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong lumapit sa iyong kaibigan, lalo na kung kailangan mo talaga ang tulong niya tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: May malaking chance na maging pasaway ang iyong partner ngayong araw at baka ikasira ito ng iyong mood.
Money/Career:
Kausapin mo ang isang tao nang maayos ngayong araw, lalo na kung napapansin mo na madalas siyang pumapalpak sa kanyang gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12