Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo na kasing kumplikado ang isang simpleng bagay. Pinapahirapan mo lamang ang iyong sarili dahil diyan.
Love:
Couples: Magtiwala ka sa kakayahan ng iyong partner, lalo na kung meron siyang haharapin na isang bagay na masyadong seryoso.
Money/Career:
Huwag ka magpanggap na katulad ka ng iba. Maging unique ka para naman mapansin ka ng ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may paparating na pagbabago sa iyong buhay. Kung hindi ka pa handa para rito, subukan mong humingi ng advice sa iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: Mukhang malapit na dumating ang panahon na ikaw ay magkaroon ng love life. Tandaan mo lang na dapat ay piliin mo ay ang taong marunong maghandle ng isang relasyon.
Money/Career:
Maging maingat ka ngayong araw, dahil tiyak na may taong magsisinungaling sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging busy ka na naman ngayong araw. Kaya kahit gusto mong magpahinga, hindi mo ito magagawa muna.
Love:
Couples: Kung bored ka na sa inyong relasyon, marahil ay mag-isip ka ng isang bagay na pwede ninyong gawin na hindi ninyo pa nasusubukan.
Money/Career:
Maging mabait ka na lamang sa ibang tao, para naman hindi nila magagawang mainis sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may isang bagay na iaasa sa iyo ngayong araw, kaya kailangan mong galingan para hindi ka mapahiya rito.
Love:
Couples: Subukan mong magkwento ng isang bagay sa iyong partner, lalo na kung matagal na itong bumabagabag sa iyo.
Money/Career:
May chance na makakuha ka ng magandang deal ngayong araw, kaya naman huwag mo kalimutang magpasalamat.
Lucky color: Green
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi mo naman kailangang magbigay ng maraming effort sa isang bagay. Gawin mo lang kung ano ang nararapat.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na magkaroon ng partner, huwag mong ipressure ang sarili mo. Marami ka pang dapat idevelop at matutunan para maging handa ka rito.
Money/Career:
Pag-isipan mong mabuti ang desisyon na gagawin mo, dahil tiyak na marami ang maapektuhan dito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Lumayo ka na lalo na kung feeling mo ay hindi ka naman binibigyan ng effort o atensyon. Mas mabuting pumunta ka na lang sa ibang lugar.
Love:
Singles: Subukan mong sumali sa isang group lalo na kung meron kang hobby na gusto idevelop. Malay mo, makita mo ay magkaroon ka ng ka-close doon.
Money/Career:
Importante ang communication sa trabaho. Kung meron kang hindi naiintindihan, mas mabuting magtanong ka kaagad para hindi ka magkamali.
Lucky color: Rose
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung marami ang kumukontra sa iyong mga gusto, marahil ay panahon na para gumawa ka ng aksyon para sa mga ito.
Love:
Singles: Mukhang alam mo naman ang hinahanap mo sa isang relasyon, kaya ienjoy mo na muna ang pagiging single sa ngayon.
Money/Career:
Mukhang may chance na maistorbo ka ng ibang tao ngayong araw, kaya naman may chance na maging iritable ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung ayaw mong madamay sa isang bagay na wala ka namang kinalaman, mas mabuting huwag ka na lang makisali rito.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang magugustuhan ngayong araw. Kung kaya mo naman siyang iapproach, gawin mo ito.
Money/Career:
Maging honest ka lang sa iyong sarili at tiyak na walang maiinis sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang gagawa ng hindi tama ngayong araw, dahil may malaking chance na mahuli ka sa akto at malintikan ka.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa rin nakakahanap ng taong gusto ka makapartner, marahil ay naghahanap ka lamang sa maling lugar.
Money/Career:
Kung feeling mo ay kakaiba ang kinikilos ng iyong mga kasama, marahil ay meron silang nililihim sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung alam mo naman na tama ang ginagawa mo, huwag kang matakot sa sasabihin ng ibang tao. Maniwala ka sa iyong kakayahan.
Love:
Singles: Subukan mong umattend sa isang meeting o debate, lalo na kung gusto mong may matutunan ka ngayong araw.
Money/Career:
Marami kang napapatawa sa iyong trabaho, kaya naman ipagpatuloy mo lang ito para gumanda ang mood ng iba.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nalilito ka kung ano ba ang dapat mong ginagawa, subukan mong tingnan ang ibang tao para makakuha ka ng ideya.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong negative tungkol sa isang bagay, lalo na kung wala ka pa namang experience dito.
Money/Career:
Linisin mo ang desk o pwest mo sa iyong trabaho para naman maging maganda ang mood mo buong araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka matakot na magbigay ng advice sa isang tao, lalo na kung sa palagay mo ay makakatulong ito sa kanya.
Love:
Singles: Magfocus ka muna sa mga bagay na importante sa iyo, para naman hindi masyadong masayang ang oras mo.
Money/Career:
Gamitin mo ang isang bagay sa iyong advantage para naman magstand-out ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15