Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang healthy ka naman sa ngayon. Ipagpatuloy mo lang ang diet mo para naman gumanda ang pakiramdam mo.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kang pakisamahan ang partner mo ngayong araw, lalo na kung marami syang dinedemand sa iyo.
Money/Career:
Bago mo aksyunan ang isang bagay, planuhin mo muna ito para hindi ka mangapa.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 29 28 8 2 50 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na masira mo ang pangako mo sa isang tao dahil may tao ka ring hindi matanggihan.
Love:
Singles: Kung masyado siyang mahiyain, ikaw na mismo ang mag-approach sa kanya para magkaroon na ng aksyon.
Money/Career:
Madali mong mauunahan ang iyong mga kasama sa inyong mga gawain, kaya naman may chance na ma-bore ka sa kahihintay sa kanila.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 5 23 3 4 57 31
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging confident ka lang sa iyong mga gawain at tiyak na makukuha mo ang tiwala ng ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kayong dalawa ngayong araw dahil may chance na may pag-awayan kayong bagay na nangyari kahapon.
Money/Career:
Huwag mo muna pagurin ang isip mo. Magrelax ka lang at baka sakaling bumalik ang focus mo.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 44 41 57 43 31 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung kaya mo namang gawin ang hamon sa iyo ng isang tao, pumayag ka na gawin ito. Ipakita mo sa kanya kung sino talaga ang boss.
Love:
Singles: Mukhang gagaan na rin ang pakiramdam mo sa ngayon. Pwede kang manood ng sine kung gusto mong makapagrelax.
Money/Career:
Huwag ka masyado maging emosyonal kapag ikaw ay nasa trabaho, para hindi maapektuhan ang productivity mo.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 10 34 20 28 3 49
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang mapapaaway ka ngayong araw, lalo na kung may taong kontra nang kontra sa mga desisyon na ginagawa mo.
Love:
Couples: Subukan mong patawanin ang partner mo ngayong araw lalo na kung napapansin mong medyo sad siya lately.
Money/Career:
Mukhang tatamarin ka ngayong araw kaya naman mas gugustuhin mong matulog na lamang.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 4 40 35 36 20 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang mapipilitan kang pumili ngayong araw ng isang bagay pero tiyak na merong tututol sa gagawin mong desisyon.
Love:
Couples: I-treat mo ang partner mo ngayong araw lalo na kung kitang-kita sa itsura niya na stressed siya.
Money/Career:
Kaya ka namang pagbigyan ng iyong mga kasama, pero huwag kang magdemand at baka mainis lang sila sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 27 52 46 12 54 58
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang naman na maging vulnerable ka sa harap ng mga kaibigan mo, siguraduhin mo lang na hindi nila gagamitin ito para mag-take advantage sa iyo.
Love:
Couples: Kung medyo bored ka ngayong araw, subukan mong yayain ang partner mo na gawin ang isang hobby na pinakagusto mo.
Money/Career:
Kung meron kang problema sa isang tao, ikaw na mismo ang lumapit sa kanya dahil paniguradong wala siyang idea rito.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 10 36 21 23 7 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag kang manghula sa isang bagay dahil may malaking chance na mapahamak ka at maging grabe lang ang sitwasyon.
Love:
Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa partner mo. Huwag mong hayaan na maghanap siya ng ibang tao dahil sa masyado kang busy.
Money/Career:
Mukhang makukuha mo rin naman ang sinasabi sa iyo ng iba, iyon nga lang medyo mabagal ka talaga magprocess.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 43 58 46 54 40 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong payagan ang isang tao na gawin ang isang bagay lalo na kung alam mong mapapahamak siya sa gagawin niya.
Love:
Couples: May malaking chance na feeling mo ay masyado kang iniignore ng partner mo. Mas mabuting kausapin mo siya kaagad tungkol dito.
Money/Career:
Kailangan mo na munang maging praktikal sa mga gagawin mong desisyon. Mas makakatulong ito sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 39 31 30 33 48 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na pahabain pa ang sasabihin mo dahil may chance na ma-bore lang ang mga taong kinakausap mo.
Love:
Couples: Kung may problema ang partner mo, subukan mo siyang tulungan lalo na kung napapansin mong sobrang stressed na siya rito.
Money/Career:
Magdahan-dahan ka lang sa iyong mga gawain para bumaba ang chance na magkamali ka.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 2 1 5 48 18 55
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na gamitin mo ang idea ng iba, basta ba nagpaalam ka nang maayos at hindi basta-basta mo lang kinuha.
Love:
Couples: May malaking chance na magkaroon kayo ng event at mukhang hindi ka magiging comfortable sa mga bisita.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong trabaho dahil may malaking chance na pinababantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 13 39 32 44 35 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung alam mong mali ang ginagawa mo, aminin mo na ito kaagad at huwag mo na hintayin pang maging grabe ang sitwasyon.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga ang isang tao, gawin mo ang lahat para mas lalo mo pa siyang makilala.
Money/Career:
Huwag mo na i-deny sa ibang tao ang ginawa mo lalo na kung obvious naman na ikaw ang may gawa.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 54 33 22 24 20 50