Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang marami kang idea na maiisip ngayong araw, pero huwag mo masyado itong ipagkalat sa iba at baka maunahan ka pa nila.
Love:
Singles: Subukan mong makipagkaibigan sa mga taong parehas mo ng hilig. Sumali ka sa mga groups online para mas marami kang makilala.
Money/Career:
Huwag mo hayaang tamarin ka ngayong araw dahil tiyak na marami ka pang gagawin.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 27 24 25 46 9 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para simulan o ipagpatuloy mo ang iyong pangarap na gawin. Huwag mong hayaang may pumigil sa iyo.
Love:
Singles: Pagkakataon mo na para kunin ang isang oportunidad lalo na kung makakatulong ito para maging malapit ka sa isang tao.
Money/Career:
Kahit na kakaiba ang mga diskarte mo, kaya mo namang patunayan sa iba na kaya mong gawin ang mga inutos nila.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 23 27 44 35 30 54
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung masyadong malungkot ka ngayong araw, subukan mong magreach out sa iyong mga kaibigan para naman madamayan ka nila.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong lumapit sa iyo ngayong araw at magtapat ng nararamdaman niya sa iyo.
Money/Career:
Subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan na maglaro pagkatapos ng trabaho para naman mabawasan ang stress mo.
Lucky color: Lavender
Lucky numbers: 11 10 51 38 18 36
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung ayaw mong mapagalitan ng ibang tao, dapat ay gawin mo na kaagad kung ano man ang inuutos nila sa iyo.
Love:
Couples: Gawin ninyong special ang araw na ito para sa inyong dalawa. Pwede kayo mag-date lalo na kung hindi na kayo masyadong nakakalabas lately.
Money/Career:
Mukhang makakapagpahinga ka naman ngayong araw kaya hindi ka magmumukhang haggard.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 6 46 20 47 10 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka na kasi makulit. Kung sinabihan ka na ng isang tao na hindi pwede, huwag mo na siya kulitin pa at baka mapingot ka pa.
Love:
Couples: Para hindi mag-alala sa iyo ang iyong partner, paniguraduhin mong laging may charge ang phone mo para madali ka niya macontact.
Money/Career:
Kahit wala ka sa trabaho, puro mga gawain mo pa rin ang iyong naiisip kaya paniguradong maiistress ka ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 18 47 5 37 12 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may napansin kang mali sa iyong mga gawain, itama mo na agad ito at huwag mo na hintayin na madiskubre pa ito ng iba.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong kumulit sa iyo ngayong araw. Okay sana iyon, kaso lang hindi mo talaga siya gusto.
Money/Career:
Kung hindi makapagdecide ang ibang tao, ikaw na mismo ang gumawa ng pasya para hindi na kayo ma-delay pa.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 27 12 53 33 18 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gumawa ka ng tama sa iyong kapwa dahil kapag nakakita sila ng mali, tiyak na iyon ang tatatak sa isip nila.
Love:
Couples: May malaking chance na maging moody ka ngayong araw kaya naman maaaring maaway mo ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka matakot na pumayag sa isang deal lalo na kung kilala mo naman ang taong kausap mo.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 35 54 22 25 37 51
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo na balakin pang sumubok ng ibang bagay na hindi mo naman gamay lalo na kung ayaw mong magmukhang nakakatawa.
Love:
Singles: Kung meron kang date ngayong araw, okay lang na kabahan ka pero huwag mo ito masyadong ipakita sa date mo.
Money/Career:
Huwag mo na masyado isipin ang iyong mga gagawin dahil lalo lang iinit ang ulo mo. Magrelax ka na lang muna.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 48 7 6 2 9 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kahit na maganda ang naisip mong idea, huwag kang mag-expect na lahat ng iyong mga kasama ay aagree sa iyo.
Love:
Singles: Kung masyadong toxic na para sa iyo ang iyong mga kaibigan, marahil ay panahon na para maghanap ka ng bago.
Money/Career:
Huwag kang matakot na gawin ang isang bagay lalo na kung magkakaroon ka ng advantage dahil dito.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 16 37 8 36 27 41
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging maganda naman ang araw na ito para sa iyo, lalo na kung natapos mo ang iyong mga gawain kahapon.
Love:
Singles: Para hindi ka magmukhang boring sa ibang tao, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman may something fresh sa iyo.
Money/Career:
Huwag mong hahayaang tapak-tapakan ka lang ng iba lalo pa na alam mong nasa tama ka.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 26 4 10 17 14 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magkakaroon ka ng maraming ideas ngayong araw at kung walang maisip ang iyong mga kasama, tiyak na lalapit sila sa iyo.
Love:
Couples: Bago mo gawin ang isang bagay na mukhang seryoso, sabihin mo muna ito sa iyong partner para hindi siya mabigla.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na umabsent ka sa iyong trabaho ngayong araw lalo na kung masakit ang iyong ulo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 26 4 10 17 14 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Gusto mo ba talaga maging in charge sa isang bagay na hindi mo naman alam kung paano ihandle nang maayos?
Love:
Couples: Pagbigyan mo muna ang iyong partner sa kanyang gusto. Pero siguraduhin mo na hindi siya aabuso next time.
Money/Career:
Hindi ka naman mahiyain sa ibang tao, pero tumitiklop ka kapag nalaman nila na may mali kang nagawa sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 46 54 12 52 42 14