Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kailangan mong galingan ngayong araw dahil may malaking chance na malamangan ka ng iyong karibal.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang partner mo ngayong araw na samahan kang mag-exercise para naman mabawasan ang stress mo lately.
Money/Career:
Mukhang may chance na maging close ka sa isang kasama mo sa trabaho lalo na kung bago siya.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 11 53 34 27 49 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago mo gawin ang isang bagay, i-check mo muna at baka meron kang nakalimutan na tapusin kahapon.
Love:
Singles: Huwag mong sayangin ang araw na ito na mag-isa. Yayain mo ang iyong mga kaibigan na lumabas.
Money/Career:
Hindi porke bago ang isang bagay ay katatakutan mo na ito. Subukan mo ito at baka magustuhan mo rin ito kalaunan.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 36 45 50 26 53 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makinig ka sa mga babala na sasabihin sa iyo ng iyong mga kaibigan tungkol sa isang bagay na bago para sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang pupuntahan na event ngayong araw, huwag ka na tamarin at sumipot ka na roon.
Money/Career:
Mukhang maganda naman ang standing mo sa ibangtao, kaya dapat ay maniwala ka lang sa iyong sarili.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 22 2 50 19 18 49
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring ma-annoy ka sa isang bagay, pero huwag mo itong ipahalata sa ibang tao para hindi nila ito ulitin sa iyo.
Love:
Singles: Talasan mo ang iyong pakiramdam ngayong araw dahil may chance na may taong dumiskarte sa iyo nang biglaan.
Money/Career:
Huwag mo takasan ang iyong mga gawain. Huwag mo rin itong ipagawa sa ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 40 49 41 39 55 42
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung marami kang gagawin, subukan mong gumawa ng schedule para naman wala kang makalimutan sa mga ito.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na may mapansin kang pagbabago sa iyong partner. Kausapin mo siya tungkol dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil tiyak na may taong tutulong sa iyong mga gawain.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 1 34 9 51 33 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magfocus ka na lang muna sa isang bagay bago mo bigyan ng pansin ang iba pa. Isa-isahin mo lang ang mga ito.
Love:
Couples: Kung maganda ang mood mo ngayong araw, subukan mong itreat ang partner mo para naman maging masaya rin siya.
Money/Career:
Maging open ka sa suggestions ng ibang tao, lalo na kung may point naman ang sinasabi nila.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 4 9 1 24 51 44
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo hayaang maadik ka sa isang bagay dahil paniguradong hindi ito magiging healthy para sa iyo.
Love:
Singles: Makinig ka sa sasabihin ng iba, lalo na kung gusto mo na talaga magkaroon ng love life.
Money/Career:
Madali kang makarelate sa ibang tao, kaya naman madali kang lapitan sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 32 30 2 38 11 47
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung masyadong negative para sa iyo ang araw na ito, huwag mo lamang ito palalain pa. Mas mabuting huwag ka na lamang magkwento sa iba.
Love:
Singles: Huwag mo hayaang masira ang araw mo dahil lang sa isang tao. Magrelax ka at gumawa na lang ng ibang bagay.
Money/Career:
Hindi porke pinagmamalaki ng isang tao ang isang bagay ay tama na siya. Dapat ay marunong ka ring sumuri sa mga bagay-bagay.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 3 50 9 40 21 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Sabihin mo sa ibang tao ang nararamdaman mo para naman maintindihan ka nila. Malay mo, mas maging careful na sila sa iyo this time.
Love:
Singles: Hindi mo naman kailangang mag-effort masyado para magkaroon ng love life. Darating ito sa panahon na hindi mo inaasahan.
Money/Career:
May malaking chance na may makaaway ka ngayong araw dahil hindi niya makuha ang sinasabi mo.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 22 34 2 1 42 46 3
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo kaya ang pinapagawa sa iyo sa gusto nilang paraan, subukan mong diskartehan ito at baka makuha mo rin ito.
Love:
Singles: Mukhang mapipilitan ka na lapitan ang taong nagugustuhan mo ngayong araw lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Money/Career:
Maganda naman ang gusto mong mangyari, pero hindi lang talaga magugustuha ng ibang tao ang mga paraan mo.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 40 11 36 47 26 48
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gawin mo na lamang busy ang sarili mo ngayong araw lalo na kung gusto mong makalimutan ang isang pangyayari.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para makasama mo sa isang event ang iyong mga kaibigan. Tiyak na mag-eenjoy kayong lahat.
Money/Career:
Huwag mo na tanggihan ang isang bagay lalo na kung ibibigay naman sa iyo ito ng libre.
Lucky color: Gold
Lucky numbers: 41 19 47 10 1 40
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na subukang gawin pa ang isang bagay lalo na kung nagkaroon ka ng hindi magandang resulta rito dati.
Love:
Singles: Huwag kang mahiya sa ibang tao. Kilalanin mo sila at baka mas malala pa sila sa iyo.
Money/Career:
Diskartehan mo agad ang isang bagay lalo na kung ayaw mong madelay sa iyong mga gawain.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 1 47 18 3 35 6