Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang kailangan mo muna ng break sa iyong hectic na schedule. Pagkatapos ng iyong mga gawain, huwag ka na muna gumimik para makapagpahinga ka.
Love:
Couples: Kung gusto mo talagang masolusyunan ang isang problema, kailangan ninyo itong upuan ng iyong partner para mapag-usapan.
Money/Career:
Huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili para naman maiwasan mo na magkasakit.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 6 50 24 57 38 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Subukan mong sumali sa isang activity kasama ng iyong mga kaibigan para naman may maiba sa araw mo.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa partner mo ngayong araw para naman makabawi ka sa mga oras na naging busy ka.
Money/Career:
Magfocus ka muna sa iyong trabaho para naman hindi ka mahuli sa mga kailangan mong ipasa.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 46 6 7 27 15 47
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may opportunity na dumating sa iyo, tanggapin mo na ito kaagad lalo na kung minsan lang itong mangyari.
Love:
Singles: Kung masyado kang emosyonal ngayong araw, lumayo ka muna sa ibang tao para naman makapag-isip ka.
Money/Career:
Huwag mo hayaang pigilan ka ng ibang tao sa gagawin mo, lalo na kung wala naman silang valid reason.
Lucky color: White
Lucky numbers: 34 43 35 28 29 40
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para umattend sa mga events para naman maaliw ka kahit papaano. Malay mo, marami ka pang makilala na pwede mo gawing mga connection.
Love:
Singles: Kilalanin mo muna ang isang tao bago mo siya husgahan. Maaaring marami pala kayong pagkakapareho.
Money/Career:
Okay naman ang naisip mong idea, kailangan mo na lang umisip ng diskarte kung paano ito mangyayari.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 16 57 7 33 23 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung kakaiba ang ibinigay na suggestion sa iyo, subukan mo muna ito at baka naman maging effective ito sa huli.
Love:
Couples: Magtiwala ka sa iyong desisyon. Maaaring hindi ito magustuhan ng iyong partner, pero kailangan mo pa rin itong panindigan.
Money/Career:
Ibigay mo ang best mo sa iyong mga ginagawa. Huwag ka magpigil para naman makita nila ang galing mo.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 31 5 19 13 49 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mong maging flexible para naman marami kang pwedeng magawa at maraming tao ang maghanap sa iyo.
Love:
Couples: Maaaring hindi ka gaano makapagspend ng time sa iyong partner, lalo na kung tinatambakan ka ng mga gawain sa trabaho.
Money/Career:
Huwag ka na lamang makining sa mga tsismis lalo na kung alam mo na mapapahamak ka sa mga ito.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 44 53 3 9 33 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
I-enjoy mo lang ang araw na ito, lalo na at marami kang matatapos na mga gawain kaya naman magkakaroon ka ng oras para makapagpahinga.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga magkaroon ng love life, huwag ka lang lagi manatili sa inyong bahay. Gala-gala din pag may time.
Money/Career:
Makinig ka sa sasabihin ng ibang tao dahil may chance na may malaman kang bago sa kanila.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 31 8 32 37 52 45
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang mahihirapan kang kausapin ang isang tao ngayong araw lalo na kung meron pa rin siyang tampo sa iyo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na gumala ngayong araw para naman mawala ang stress mo kahit papaano.
Money/Career:
Kung may nagawang maganda sa iyo ang isang tao, dapat ay magpasalamat ka sa kanya para naman may mapasaya ka.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 31 8 32 37 52 45
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo na lang gawin ang isang bagay lalo na kung alam mong mapapahamak ka kapag nahuli ka ng ibang tao.
Love:
Singles: Kung hinahanap mo ang iyong future partner, subukan mong magtanong sa iyong mga kaibigan at baka meron silang kakilalang pwede.
Money/Career:
Maging magulo man ang araw mo sa trabaho, magrelax ka lang dahil wala ring mapupuntahan ang init ng ulo mo.
Lucky color: Dark violet
Lucky numbers: 38 32 39 52 8 51
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mo na magmadali ngayong araw para naman hindi na matambakan pa ang mga kailangan mong gawin.
Love:
Couples: Kung bago pa lang ang inyong relasyon, gumawa na agad kayo ng paraan kung paano ninyo mapapatibay ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Kung sawa ka na sa ginagawa mo, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman maaliw ka kahit na papaano.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 38 32 39 52 8 51
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong tawagan ang isang tao, lalo na kung kailangan mo talaga ang tulong niya. Huwag ka na mahiya pa.
Love:
Singles: Habaan mo na lang ang pasensiya mo sa iyong kaibigan lalo na kung sa iyo niya nilalabas ang kanyang sama ng loob.
Money/Career:
Maging confident ka lang sa mga gawa mo. Huwag kang matakot lalo na kung alam mong binigay mo ang best mo sa mga ito.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 7 1 29 41 2 42
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang alam mo naman ang kailangan mong gawin, pero huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong sarili para hindi ka magkasakit.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para aminin sa isang tao na meron kang pagtingin sa kanya. Huwag ka na matakot at baka maunahan ka pa ng iba.
Money/Career:
Huwag kang mag-take advantage ng iyong kapwa para lamang makuha mo ang gusto mo.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 29 52 33 46 11 4