Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi man maging maganda ang gising mo, tiyak naman na magiging maayos din ang lahat pagsapit ng hapon.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong paasahin ang partner mo sa isang bagay na sa tingin mo ay hindi mo kayang gawin.
Money/Career:
Tanggapin mo na lamang kung ano ang pagbabago na darating sa iyong career ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 51 34 32 14 15 52
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyado maging pasaway ngayong araw dahil may malaking chance na maipit ka sa isang hindi magandang sitwasyon.
Love:
Singles: Kung ayaw mong mapahiya sa harap ng crush mo, dapat ay hindi ka basta-basta gumagawa ng desisyon.
Money/Career:
Kung alam mo ang goal mo sa buhay, tiyak na hindi masasayang ang oras mo at alam mo ang mga bagay na dapat mong gawin.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 29 2 19 58 9 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi mo man kayang abutin ang iyong mga pangarap sa ngayon, ipagpatuloy mo na lang ang pagiging masipag mo.
Love:
Couples: Kung may kailangan kayong pag-usapang dalawa, gawin ninyo ito agad para naman hindi na kayo magkaroon pa ng problema.
Money/Career:
Mukhang may experience ka na naman sa isang bagay kaya may chance na hindi ka rito masyadong mahirapan.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 33 48 55 39 8 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Marami ang umaasa sa iyo ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para hindi mo sila mabigo.
Love:
Couples: Kung worth it naman talaga ang inyong relasyon, dapat ay habaan mo ang iyong pasensiya at huwag kang susuko sa iyong partner.
Money/Career:
Kung may mga taong tumulong sa iyo, huwag mong kalimutan na i-treat sila bilang pasasalamat.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 47 57 14 13 20 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang wala ka masyadong magagawa tungkol sa isang bagay, kaya naman huwag ka na kumontra at sumunod ka na lang sa sasabihin ng iba.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga magkaroon ng partner, dapat ay baguhin mo ang pangit sa iyong ugali.
Money/Career:
Huwag mo masyadong bigyan ng effort ang isang bagay lalo na kung hindi naman ito siguradong mapapatupad.
Lucky color: Rainbow
Lucky numbers: 22 19 53 4 37 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung gusto mo talagang tumulong sa iba, gawin mo ito. Hindi mo naman kailangang magpapansin pa sa ibang tao.
Love:
Singles: Tingin mo kung ano ang reaction ng mga tao sa iyong paligid para malaman mo kung ano ang tingin nila sa iyo.
Money/Career:
Madali mong maintindihan ang mga bagay na sinasabi sa iyo, kaya naman bilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 38 14 41 39 21 40
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may chance na hindi maging maganda ang pakiramdam mo ngayong araw, kaya mas mabuting manatili na lamang sa bahay para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung lihim ang relasyon mo ng iyong partner, mag-isip ka na lalo na kung saan papatungo ang inyong pagsasama.
Money/Career:
May kailangan kang gawin ngayong araw, kaya mas mabuting unahin mo muna ito para hindi ka na magkaroon pa ng problema.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 13 17 29 45 18 38
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong gumising nang maaga ngayong araw dahil may malaking chance na mahuli ka sa iyong pupuntahan.
Love:
Singles: Marami ka pa namang pwedeng gawin kaya huwag ka na muna maging malungkot at gawin mong busy ang iyong sarili.
Money/Career:
Huwag mong ipagdamot ang iyong malalaman ngayong araw at subukan mong tulungan ang ibang tao sa kanilang mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 17 25 18 39 19 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang mahihirapan ka na mag-adjust sa mga mangyayari ngayong araw, kaya naman tatagan mo na lang muna ang loob mo.
Love:
Couples: Kung palagi kayong nag-aaway ng iyong partner, marahil ay panahon na para bigyan ninyo muna ng space ang bawat isa.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang magtanong sa iyong mga kasama lalo na kung meron kang hindi maintindihan.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 51 49 19 54 58 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Marami ang umaasa sa iyo na makaisip ng solusyon para isang problema, kaya naman mapepressure ka talaga ngayong araw.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga ang isang tao, huwag mo siyang titigilan pero huwag ka maging clingy sa kanya.
Money/Career:
Huwag kang matakot na gumawa ng bagong diskarte, lalo pa at may mga nakasubok na nito.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 7 44 18 3 41 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na mahiya sa ibang tao, lalo na kung gusto ka nilang tulungan. Hayaan mo na lang sila na tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi maintindihan, subukan mong magtanong sa iyong partner at baka may maisagot siya sa iyo.
Money/Career:
Kung feeling mo ay hindi ka mag-iimprove sa iyong kasalukuyang company, marahil ay mas maganda kung maghahanap ka na ng ibang mapapasukan.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 7 44 18 3 41 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na taguan ang isang tao lalo na kung may atraso ka sa kanya. Harapin mo siya at humingi ka ng paumanhin.
Love:
Couples: Huwag kayong matakot na sumubok ng bago sa inyong relasyon, lalo na at magkasama naman ninyo itong gagawin.
Money/Career:
Ito na ang chance mo para magpakitang-gilas ka sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 31 11 49 52 22 58