Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi na gumagana ang diskarte mo tungkol sa isang bagay, marahil ay panahon na para mag-isip ka ng bago.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong baguhin sa itsura mo, gawin mo ito at baka masorpresa dito ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo na lamang ipilit sa ibang tao ang gusto mo, lalo na kung hindi naman talaga nila ito kaya.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 18 16 32 2 31 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung ayaw mo munang mastress ngayong araw, huwag ka na umalis ng bahay lalo na kung wala ka namang importanteng lakad.
Love:
Couples: Huwag ka na maasar sa iyong partner. Paniguradong nilalambing ka lang nun para naman maaliw ka.
Money/Career:
Kung feeling mo ay gagana naman ang plano mo, ipagpatuloy mo ito at maging confident sa iyong naisip.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 28 14 8 12 38 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para magtiwala ka sa iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Mag-isip ka munang mabuti bago mo tanggihan ang request ng partner mo sa iyo. Malay mo, makabubuti talaga ito para sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka na lamang mag-effort sa isang bagay kung kalaunan ay hindi mo rin naman ito ipagpapatuloy.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 8 28 40 9 33 42
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may gagawin ka ngayong araw na ikakabaliw ng iyong mga kaibigan. Mukhang hindi nila inaasahan na gagawin mo ang bagay na ito.
Love:
Couples: Kung gusto mo talagang magtagal ang relasyon ninyong dalawa, dapat ay nararamdaman ng iyong partner ang effort na ibinibigay mo sa inyong pagsasama.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para gawin mo ulit ang mga bagay na hindi mo natapos noong nakaraan.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 34 11 38 26 10 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung feeling mo ay hindi makakatulong sa iyo ang isang tao, ikaw na mismo ang mag-approach sa kanya para malaman niya ito kaagad.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng chance na makausap ang taong nagugustuhan mo ngayong araw. Huwag ka magpanic at maging awkward sa kanya.
Money/Career:
Huwag mo masyadong pahirapan ang iyong sarili para naman hindi ka gaano ma-stress ngayong araw.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 25 13 19 2 39 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magugustuhan mo ang isang offer sa iyo, pero dapat ay mag-ingat ka pa rin para naman hindi ka maloko.
Love:
Couples: Kung hindi maganda ang kutob mo tungkol sa isang bagay, sabihin mo ito sa iyong partner para mapaghandaan ninyo ito.
Money/Career:
Mukhang may bagay na darating sa iyo at may malaking chance na magkaroon ng pagtatalo tungkol dito.
Lucky color: Lavender
Lucky numbers: 10 36 30 12 13 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang matakot na sumubok ng bago ngayong araw. Malay mo, magustuhan mo ito at araw-arawin mo na rin.
Love:
Singles: Hawak mo ang oras mo kaya naman huwag kang magpapressure sa sinasabi ng ibang tao. Kung saan ka masaya, doon ka muna.
Money/Career:
Suriin mo nang mabuti ang iyong mga gawain para naman lumiit ang chance na magkamali ka sa mga ito.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 40 12 21 8 25 35
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magfocus ka na lang muna sa mga bagay na kaya mong gawin. Importante na may matapos ka ngayong araw kaysa sa wala.
Love:
Singles: Gumala ka kasama ng iyong mga kaibigan para naman mabawas-bawasan ang stress mo ngayong araw.
Money/Career:
Mukhang gumaganda na kahit papaano ang status ng iyong career. Ipagpatuloy mo lamang ang iyong ginagawa.
Lucky color: Silver
Lucky numbers: 4 3 6 26 14 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi naiintindihan ng ibang tao ang iyong sitwasyon, huwag mo na pahirapan ang sarili mo sa pag-eexplain sa kanila.
Love:
Singles: Kung yayayain ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa isang event, sumama ka na lalo na kung wala ka namang ibang gagawin.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong charm para maconvince mo ang isang tao na pagbigyan ka sa iyong gusto.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 13 34 27 28 18 31
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na muna magtiwala sa iyong kutob dahil may chance na hindi ito magkatotoo at mapaaaway ka pa sa iba.
Love:
Couples: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman mahihirapan ang iyong partner na i-comfort ka.
Money/Career:
Kailangan mo munang magtiwala sa isang tao ngayong araw para matapos mo na ang mga ipinapagawa sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 39 29 18 32 13 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kailangan ay mabilis kang mag-isip para naman hindi na lumala pa ang isang sitwasyon na haharapin mo ngayong araw.
Love:
Singles: Para maaliw ka ngayong araw, subukan mong pumunta sa gym o sa isang lugar kung saan makakapag-exercise ka.
Money/Career:
Huwag mo na lamang awayin ang isang tao lalo na kung hindi niya talaga nakukuha ang mga sinasabi mo sa kanya.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 5 12 41 24 28 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang kaya mo namang gawin ang mga inuutos sa iyo. Iyon nga lang, tinatamad ka lang talaga na gawin ang mga ito.
Love:
Couples: Ikaw na ang magsorry sa iyong partner kahit hindi naman ikaw ang may kasalanan para matapos na lang ang inyong away.
Money/Career:
Mukhang madadala mo ang ibang tao sa iyong charm, kaya naman magagawa mong humingi ng favor sa kanila.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 33 23 37 6 16 39