Aries (Mar 21 – Apr 19)
Marami ka pa namang pwedeng gawin ngayong araw. Huwag kang magmadali masyado para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: Kung gustong lumayo muna ng partner mo sa iyo, pagbigyan mo siya. Marahil ay gusto lamang niya ng space.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang ang ibang tao, lalo na kung ayaw mong meron kang ma-offend sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo muna gawing personal ang isang bagay para hindi na ito lumaki pa. Kung kaya mong umiwas na lang muna, gawin mo ito.
Love:
Couples: Kung hindi mo ma-gets ang ginagawa ng iyong partner, marahil ay sign na ito na hindi ka masyadong naglalaan ng oras sa kanya.
Money/Career:
Kailangan mong matapos ang iyong mga gawain ngayong araw, kaya naman iwasan mo muna na tamarin at mawala sa focus.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo naman kailangang umalis ng bahay ngayong araw, huwag ka na gumala. Mas mabuting magpahinga ka na lang muna.
Love:
Couples: Sabihin mo ang iyong nararamdaman sa iyong partner. Huwag mong hintayin na malaman pa ninya ito sa ibang tao.
Money/Career:
Mukhang malapit mo na makuha ang sagot sa iyong tanong, kaya naman habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may chance na madelay ang iyong mga gawain ngayong araw, lalo na kung iaasa mo ito sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung gusto mo munang lumayo sa iyong partner, gawin mo ito lalo na kung gusto mo talagang makapag-isip.
Money/Career:
Mukhang malalaman mo na kung ano talaga ang totoo ngayong araw. Huwag mo munang ipakita sa iba na apektado ka rito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi mo sigurado na gagana ang isang bagay, subukan mo munang magtanong sa ibang tao para magkaroon ka ng ideya.
Love:
Couples: May mga panahon talaga na hindi mo maiintindihan ang iyong partner. Hayaan mo na lang muna siya at lilipas din ang topak niya.
Money/Career:
Mukhang magagawan mo ng paraan ang isang problema at makakapagrelax ka na dahil dito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Hindi mo naman kailangang gawin ang mga bagay nang sabay-sabay. Unahin mo muna ang sa tingin mo ay ang importante.
Love:
Couples: Huwag mo muna irush ang partner para hindi siya magkamali. Sige ka, baka masisi ka lang niya dahil dito.
Money/Career:
Kung may free time ka after work, subukan mong kausapin ang iyong mga kasama lalo na kung meron kayong problema sa ngayon.
Lucky color: Whie
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May mga pagbabago na darating ngayong araw, kaya naman maghanda ka sa mga ito. Maaaring magulat ka sa iyong mga malalaman.
Love:
Singles: Subukan mo munang huwag makialam sa problema ng ibang tao para hindi ka na rin madamay rito.
Money/Career:
Subukan mong kausapin ang iyong mga kasama lalo na kung napapansin mo na hindi masyadong maganda ang kanilang mood.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo muna kulitin ang isang tao ngayong araw. Baka mainis lang siya sa iyo at hindi ka na niya talaga tulungan.
Love:
Couples: May malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at may malaking chance na manggaling ito sa kanyang best friend.
Money/Career:
Huwag ka kaagad susuko. Mahirap man ang trabaho mo ngayong araw, magiging worth it din naman ito sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang panahon na para linisin mo ang kwarto mo, para na rin makita mo na ang bagay na hinahanap mo.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay lumalayo na ang loob ng partner mo sa iyo, marahil ay may gusto na niyang lumayo na talaga sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo gawin ang isang bagay dahil lamang cool ito sa paningin ng ibang tao.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na magkatotoo ang mga hinala at kutob mo ngayong araw, kaya naman magtiwala ka sa mga ito.
Love:
Couples: Kung alam mo na may mali kang nagawa sa iyong partner, huwag mo na hintayin na sermonan ka niya bago ka magsorry.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong home-based work.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Tama naman ang ginagawa mo. Huwag mong hayaang mawala ka sa focus dahil lamang sa panghuhusga ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung takot kang sabihin sa iyong partner ang isang bagay, dahan-dahanin mo lang ito para hindi siya mabigla.
Money/Career:
Hindi ito ang panahon para maging malungkot ka dahil may naalala kang hindi maganda. Mas mabuting magfocus ka sa future mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka basta-basta magtitiwala sa mga taong hindi mo masyadong kilala. Mag-ingat ka para hindi ka nila maloko.
Love:
Couples: Huwag ka na muna mag-alala sa iyong partner dahil tiyak naman na alam niya ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Hindi man maging maganda ang araw mo, tiyak na magagawa mong malampasan ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25