Aries (Mar 21 – Apr 19)
Tandaan mo na hindi lahat ng tao ay kaya mong daanin sa iyong charm. Malapit mo na makaharap ang iyong katapat.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw. Dalhin mo siya sa kanyang favorite na restaurant para naman matuwa siya sa iyo.
Money/Career:
Gawin mo na lang ang iyong mga gawain at huwag mo na pakialaman pa ang gawa ng iba.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may napansin kang problema, ayusin mo na ito kaagad. Huwag mo na hintayin na utusan ka pa ng iba.
Love:
Singles: Bago mo isipin ang ibang tao, huwag mong kalimutan na bigyan muna ng importance ang iyong sarili.
Money/Career:
May mga bagay talaga na hindi mo maiiwasan kahit na anong ingat pa ang gawin mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, diretsuhin mo na siya.
Love:
Singles: Mukhang may chance na hindi ka makapag-isip nang matino ngayong araw, lalo na kung puro kilig ang pinapairal mo.
Money/Career:
I-check mo nang mabuti ang iyong mga nagawa para naman masiguro mo na wala ka nagawang mali.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo agad paniwalaan ang maririnig mo sa isang tao, lalo na kung hindi naman niya ito mapatunayan.
Love:
Couples: Maging totoo ka lang sa iyong sarili. Kung hindi mo talaga gusto ang isang bagay, sabihin mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang hindi magiging maganda ang mood mo ngayong araw, lalo na kung may taong kontra nang kontra sa mga gagawin mo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung takot ka na gawin ang isang bagay, huwag mo na pilitin ang iyong sarili rito at baka mapraning ka lang.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, subukan mo siyang i-treat ngayong araw lalo na kung may free time siya.
Money/Career:
Huwag ka muna magpadistract sa iyong mga kasama. Unahin mo muna ang iyong mga gawain bago ka makipagkwentuhan sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo sigurado ang isang bagay, subukan mong magtanong na lang muna sa ibang tao para magkaroon ka ng idea.
Love:
Singles: Magdahan-dahan ka lang.Huwag mong i-rush ang mga bagay-bagay para naman hindi ka magkamali.
Money/Career:
May malaking chance na maging productive ka ngayong araw, kaya matutuwa ang boss mo sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Kaya mo naman gawin talaga ang isang bagay, kaso natatakot ka lang sa sasabihin ng iba.
Love:
Couples: Huwag mo basta-basta aakusahan ang iyong partner sa isang bagay, lalo na kung hinala lang ang meron ka.
Money/Career:
Maging sensitve ka na lang sa damdamin ng ibang tao para hindi mo sila ma-offend.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 10
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka muna magpadalos-dalos. Isipin mo muna ang iyong gagawin para hindi ka maipit sa isang pangit na sitwasyon.
Love:
Singles: Huwag ka basta-basta magtitiwala sa sasabihin ng iba. Talasan mo ang iyong pakiramdam para hindi ka maloko.
Money/career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo muna ipagsabi sa ibang tao ang malalaman mo ngayong araw. Gamitin mo muna ito para sa iyong advantage.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Maaaring mawala na rin ang tampo niya sa iyo.
Money/Career:
Masasabi mo lang na magaling ang isang tao kung kaya niyang tuparin ang ipinangako niya sa iyo.
Lucky color: Gold
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung gusto mo talaga makuha ang isang bagay, mag-effort ka rito lalo na kung alam mong marami kang kaagaw rito.
Love:
Couples: Huwag mo lang idaan sa asa ang inyong relasyon. Kumilos ka para magkaroon naman ng pagbabago rito.
Money/Career:
Maging honest ka lang sa iyong sarili. Hindi mo kailangang magpanggap para lang matanggap ka ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang masusubukan ulit ang iyong pasensiya ngayong araw, lalo na kung may taong kulit nang kulit sa iyo.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga ang isang tao, huwag ka na maghintay at umaksyon ka na bago ka pa maunahan ng iba.
Money/Career:
Umiwas ka na lamang sa mga tao na masyadong mahangin para hindi ka nila mahawaan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo naman talaga alam ang isang bagay, huwag kang magpanggap na alam mo ito at ikaw lang ang mayayari sa huli.
Love:
Singles: Hindi mo naman kailangang magmadali na makahanap ng partner. Take your time lang at ienjoy mo ang iyong pagiging single.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting huwag ka na muna pumasok at baka maging grabe lang ang sitwasyon mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10