Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang makukuha mo naman kung paano gawin ang isang bagay, pero hindi ito sapat para matapos mo ang iyong mga gawain sa oras.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi nagugustuhan sa iyong partner lalo na sa kanyang ugali, ipaalam mo ito sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may chance na mabawi mo ang pera na pinautang mo sa isang tao ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili. Magpahinga ka na lang muna para maging matino rin ang iyong pag-iisip.
Love:
Couples: Mukhang may chance na mainis ka sa gagawin ng iyong partner lalo na kung ilang beses mo na siya pinagsabihin tungkol dito.
Money/Career:
Subukan mong makihalubilo sa ibang tao para naman magkaroon ka ng bagong experience at pananaw sa buhay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Tulungan mo na lamang ang iyong kaibigan lalo na kung marami ka namang oras at alam mong ikaw lang ang makakatulong sa kanya.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa sigurado kung dapat mo bang iapproach ang isang tao, mas mabuting magmasid-masid ka na lang muna at panoorin ang kanyang mga kilos.
Money/Career:
May malaking chance na ma-distract ka sa iyong paligid, lalo na kung nakakaaliw ang mga nakikita mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung alam mong nagkamali ka, huwag mo na hintayin pang malaman ito ng ibang tao. Gawan mo na agad ito ng paraan.
Love:
Couples: Mukhang may chance na awayin ka ng iyong partner ngayong araw, lalo na kung tutol siya sa mga gagawin mo.
Money/Career:
Huwag mo agad tatanggihan ang isang bagay lalo na kung inalok naman ito sa iyo ng libre.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang nakitang problema, ayusin mo na ito kaagad para naman hindi na ito lumala pa.
Love:
Singles: Kung gusto mo talagang makilala ang isang tao, subukan mong makipagclose sa kanya kaagad.
Money/Career:
Kung meron kang importanteng pupuntahan, umalis ka nang maaga para hindi ka maipit sa traffic.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na may taong bumisita sa inyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang maglinis ng iyong kwarto.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner. Patawarin mo na siya sa kanyang nagawa lalo na kung nagsisisi na siya.
Money/Career:
Ito na ang chance mo para ipakita sa ibang tao kung gaano ka talaga kagaling sa isang bagay.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Intindihin mo na lang ang isang tao lalo na kung hindi niya gaano maintindihan ang mga sinasabi mo.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay napapalayo na ang loob ng iyong partner sa iyo, marahil ay panahon na para kausapin mo siya tungkol dito.
Money/Career:
Kung may mag-aya sa iyo na gumala ngayong araw, huwag mo itong tanggihan lalo na kung ililibre ka naman.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hind mo naman kayang tuparin ang isang bagay, huwag ka mangako para naman hindi ka masabihang paasa.
Love:
Singles: Kung gusto mo na umamin sa isang tao na gusto mo siya, gawin mo ito kaagad para hindi ka maunahan ng iba.
Money/Career:
Kung may taong humingi sa iyo ng tulong ngayong araw, pagbigyan mo siya para naman hindi na siya mahirapan pa.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo na lamang pakialaman ang mga bagay na hindi naman sa iyo. Mapapahamak ka lang kapag nahuli ka.
Love:
Couples: Bigyan mo muna ng space ang iyong partner, lalo na kung gusto niya talagang mapag-isa ngayong araw.
Money/Career:
May malaking chance na mabigyan ka ng isang promotion lalo na kung naging masipag kalately.
Lucky color: Red
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Bago mo sabihin ang isang bagay, isipin mo muna ito at baka may maoffend kang tao nang hindi mo sinasadya.
Love:
Couples: Kung ayaw mong masaktan ang iyong partner, mas mabuting solusyunan mo na agad ang problema habang hindi pa niya ito nalalaman.
Money/Career:
Magtipid ka muna ngayong araw. Huwag ka na gumala para hindi na mabawasan ang iyong pera.
Lucky color: Red
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging aware ka sa iyong paligid. Maging alerto ka para naman hindi ka maisahan ng ibang tao at para hindi na rin masira ang araw mo.
Love:
Couples: Huwag mo na isikreto sa iyong partner ang malalaman mo, lalo na kung magkakaroon ito ng impact sa inyong relasyon.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya sa iyong kaibigan lalo na kung hindi talaga siya makaintindi.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Gawin mo muna ang mga bagay na sa tingin mo ay importante para naman hindi ka na mapagalitan pa ng ibang tao.
Love:
Couples: Huwag ka na lang mangako sa partner mo kung hindi mo rin naman ito kayang tuparin.
Money/Career:
Bago mo ipasa sa ibang tao ang iyong mga gawain, siguraduhin mo muna na tama ang mga ito para wala na silang problemahin pa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 28