Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mas mabuting itigil mo na lang ang ginagawa mo kung sa tingin mo ay wala rin naman itong mapupuntahan sa huli.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa isang tao, lalo na kung wala naman talaga siyang pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang plano ngayong weekend, dapat ay magfocus ka rito para wala kang makalimutang gawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may taong kumukontra sa iyong mga gawain, alamin mo kung bakit at baka naman may point siya.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay nagtatampo sa iyo ang iyong partner, tanungin mo siya at baka meron kang nagawa na hindi mo sinasadya.
Money/Career:
Huwag mong kalimutang magpahinga ngayong araw. Huwag mo masyadong pagurin ang iyong katawan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung gusto mo talaga makuha ang isang bagay, pagpaguran mo ito para naman lumaki ang chance na maabot mo ito.
Love:
Singles: Magrelax ka lang. Huwag ka masyadong mapraning sa mga nangyayari at mag-observe ka na lang muna.
Money/Career:
Kung gusto mong magkaroon ng ideya tungkol sa isang bagay, magtanong ka sa mga kaibigan mong creative.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May experience ka naman tungkol sa isang bagay kaya huwag ka na masyadong mangamba pa tungkol dito. Magtiwala ka sa iyong mga kutob at hinala.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong baguhin sa iyong sarili, gawin mo ito lalo na kung makakatulong ito sa inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag ka na umabsent sa isang event lalo na kung wala ka namang ibang gagawin.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na problemahin ang isang bagay lalo na kung hindi naman ikaw ang may kasalanan na nangyari ito.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong sabihin sa iyong partner, pag-isipan mo muna ito para hindi ka niya ma-misinterpret.
Money/Career:
Kung gusto mo talagang matapos sa iyong gawain, huwag ka na muna makipagkwentuhan sa iyong mga kasama.
Lucky color: Silver
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring madelay ang isang bagay na iyong inaasahan, kaya naman wala kang magagawa kundi ang maghintay.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner, lalo na kung totopakin na naman siya ngayong araw.
Money/Career:
Huwag ka na muna pumunta sa mall ngayong arawdahil tiyak na mauubos lang ang iyong mga naipon.
Lucky color: Black
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Bago mo ipagkalat sa ibang tao ang iyong nalaman, siguraduhin mo muna na totoo ang mga ito para hindi ka mapahiya.
Love:
Singles: Kung feeling mo ay nakita mo na ang iyong soul mate, gawin mo ang lahat para mapansin ka niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Cream
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang ikaw lang ang makakasagot sa iyong mga katanungan, kaya mas mabuting huwag ka na lang mang-istorbo ng ibang tao.
Love:
Couples: Mas mabuting huwag mo muna lapitan ang partner mo kung meron kang nagawang mali sa kanya. Hayaan mo muna na lumamig ang ulo niya.
Money/Career:
Kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain, kaya huwag ka masyadong magpanic.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung paghihirapan mo ang isang bagay, makikita ito ng ibang tao at maaappreciate nila ang effort mo rito.
Love:
Couples: Huwag mo na lang palakihin ang isang bagay, lalo na kung kaya mo rin naman itong ayusin kaagad.
Money/Career:
Huwag ka na lang muna makialam sa gawain ng iba at baka masisi ka pa.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung kaya mo namang gawin ang isang bagay, huwag ka na mangulit pa ng ibang tao para naman may matapos ka.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para aminin mo sa isang tao ang iyong nararamdaman. Huwag ka masyadong magpanic para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Kahit na gusto mong tulungan ang ibang tao, wala ka masyadong oras dahil marami ka ring dapat na gawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hindi naman agad darating sa iyo ang bagay na gusto mo, kaya matuto kang maghintay at habaan mo ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: Kung meron kayong dapat pag-usapan ng iyong partner, gawin ninyo ito agad habang maaga pa.
Money/Career:
Kung masyadong marami pa ang iyong dapat na gawin, mas mabuting magschedule ka para malaman mo kung ano ang iyong dapat na unahin.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung masama ang pakiramdam mo tungkol sa isang bagay, dapat ay maging alert ka sa mga nakapaligid sa iyo.
Love:
Couples: Kung may gusto kang bagay, subukan mong hingiin ito sa iyong partner at baka maibigay niya naman ito sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo muna bilhin ang bagay na gusto mo dahil may chance na magsale ito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Cream
Lucky number: 27