Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mo na munang mag-adjust sa isang tao ngayong araw, lalo na kung gusto mo talaga matapos ang ginagawa ninyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Pwede mong kantahin sa kanya ang kanyang favorite song.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala masyado sa iyong mga gawain, lalo na kung sigurado ka naman na tama ang iyong mga ginawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may tao na magtuturo sa iyo kung paano diskartehan ang isang bagay, kaya naman mapapadali ang iyong mga gawain ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner. Kung nagsorry naman siya, mabuting patawarin mo na siya.
Money/Career:
Okay lang naman kung hindi mo masyado masagot ang mga itinatanong sa iyo, pero mas makakabuti sa iyo kung magreresearch ka next time.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mo lang mainspire ngayong araw para naman sipagin ka. Subukan mong tumanaw- tanaw sa iyong paligid.
Love:
Couples: Mukhang maeenjoy mo ang isa sa mga hobby ng iyong partner ngayong araw. Malay mo, maging mas magaling ka pa rito kaysa sa kanya.
Money/Career:
Huwag mainitin ang ulo. Kung kaya mo naman solusyunan ang isang bagay kaagad, gawin mo na lamang ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang mapapayuhan mo ng tama ang iyong kaibigan ngayong araw, kaya naman magpapasalamat siya sa iyo at baka i-treat ka pa niya.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para makipagbati ka sa iyong partner, lalo na kung nagtampo siya sa iyo kamakailan.
Money/Career:
May chance na magawa mong tapusin ang ilan sa iyong mga pending na gawain, kaya mababawasan na ang iyong nakatambak mong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magtiwala ka sa iyong kakayahan. Kaya mo namang tapusin ang isang bagay, kailangan mo lang na magkaroon ng tamang motivation.
Love:
Singles: Huwag ka magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa taong gusto mo, lalo na kung haka-haka lamang ang mga ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na hindi mo gusto ang ginagawa ng isang tao, hindi mo siya maco-convince na itigil ang kanyang ginagawa.
Love:
Singles: Nasa paligid mo lamang ang taong nakalaan sa iyo, pero masyado kang nag-eexpect ng malaki kaya hindi mo siya napapansin.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Tiyak na gaganda rin ang status ng iyong career.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mong gawin ang isang bagay, lalo na kung hindi ka naman handa para rito. May chance na pumalpak ka lang kung itutuloy mo ito.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para aksyunan ninyo ang isang problema sa inyong relasyon, lalo na kung palala lang ito nang palala.
Money/Career:
Huwag ka magreklamo kapag ikaw ay nasa iyong trabaho, dahil may malaking chance na marinig ka ng iyong boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na lamang makinig sa tsismisan ng iyong mga kasama, para hindi ka mapahamak kapag kumalat ito ng grabe.
Love:
Couples: Subukan mong gawin ang isang favor ng iyong partner, para naman gumanda ang mood niya ngayong araw.
Money/Career:
Kung may plano kang mag-quit sa iyong trabaho, dapat ngayon pa lang ay naghahanap ka na ng malilipatan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na mahiya sa ibang tao. Kung hindi mo naman feel talaga ang isang bagay, hindi mo kailangang itago ito.
Love:
Singles: Huwag mong mahalin ang isang tao base sa kaya niyang ibigay sa iyo. Baka maging miserable ka lang sa huli dahil dito.
Money/Career:
Kailangan mong mag-take ng risk ngayong araw, lalo na kung wala ka talagang ibang option.
Lucky color: White
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na maging busy ka ngayong araw, gagawa ka ng paraan basta makasama mo lang ang isang taong special sa iyo.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa partner mo, sabihin mo sa kanya ito nang harapan para maunawaan niya.
Money/Career:
Huwag ka na lamang makinig sa mga negative na tao para hindi ka mabadtrip sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang seryoso ang iyong kaibigan na gawin ang isang bagay na weird para sa iyo. Mas mabuting suportahan mo na lamang siya.
Love:
Couples: Huwag mo muna madaliin ang iyong partner sa isang bagay. Mas mabuti kung pag-iisipan ninyo muna ito bago ninyo ito gawin.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na pumalpak ka sa isang gawain at magalit ang boss mo dahil dito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na lamang makisali sa isang bagay, lalo na kung wala ka naman talagang kinalaman dito. Baka mapahamak ka pa kapag itinuloy mo ito.
Love:
Couples: Kung going steady na ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para i-level up ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 24