Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang maraming tao ang lumalapit sa iyo para sa iyong tulong. Mag-ingat ka lang dahil marami diyan ang umaabuso lang sa iyo.
Love:
Couples: Ayusin mo muna ang iyong mga problema bago mo i-entertain ang ibang tao para naman hindi mainis sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Hindi man mangyari ang gusto mo, tiyak naman na matutuwa ka sa magiging kapalit nito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago mo gawin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na kumpleto ka sa gamit para hindi ka na maantala pa.
Love:
Couples: Subukan mong patawanin ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung napapansin mo na masyado siyang stressed.
Money/Career:
Kung may inuutos sa iyo, gawin mo agad ang mga ito at huwag mong takasan para hindi ka mapagalitan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit na hindi mo magustuhan ang isang bagay, tiyak naman na mapapakinabangan mo pa rin ito kahit na papaano.
Love:
Couples: Mukhang seryoso ka na sa iyong partner at hindi ka na basta-basta tumitingin pa sa ibang tao.
Money/Career:
Magbreak ka muna sa iyong project para naman magkaroon ka ng peace of mind kahit saglit.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magfocus ka sa hinaharap. Huwag mo na masyadong isipin kung ano ang mga nangyari dahil wala ka na namang magagawa para baguhin ang mga ito.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong maging sweet sa iyong partner, may mga bagay talaga na dapat mo munang unahin na gawin.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong skills para lalo pang humanga ang boss mo sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Handa namang makinig ang ibang tao sa sinasabi mo, basta ba ayusin mo lang ang paraan mo ng pananalita.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na pumasok sa isang relasyon. Magdahan-dahan ka lang para makasiguro ka.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang offer, isipin mo muna ang pros and cons nito para madali kang makapagdecide.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang panahon na para itigil mo ang isang bagay at sumubok ka ng bago. Huwag mo na pilitin kung hindi naman talaga kaya.
Love:
Couples: May chance na maging sweet sa iyo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung meron siyang favor sa iyo.
Money/Career:
Magrelax ka lang ngayong araw. Yayain mo ang iyong mga kaibigan na lumabas kung gusto mo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 26
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung gusto mong gawin ang isang bagay pero hindi ka expert dito, mas mabuting humingi ka ng tulong sa taong nakakaalam.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para regaluhan mo ang iyong partner, lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya.
Money/Career:
Kung may gusto kang sabihin sa iyong boss, sabihin mo ito asap para magawan agad ito ng aksyon.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Simplehan mo lang ang iyong mga gawain para naman madali itong maintindihan ng ibang tao at para madali mo lang ito mai-adjust kung kailangan.
Love:
Couples: Huwag kang gumawa ng mga kakaibang bagay dahil matalas ang radar ng iyong partner at malalaman ninya ito kaagad.
Money/Career:
Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama. Mas mabuti na malinis ang iyong konsensiya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi ka makapagdecide between sa dalawang bagay, subukan mong pagsabayin ang mga ito at baka kaya mo naman.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw at pwede mo itong ipang-asar sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa batas ang trabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Subukan mong bilisan ang iyong mga kilos ngayong araw dahil marami ka pang mga bagay na dapat tapusin.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng chance para kausapin ang iyong crush ngayong araw. Isipin mo ang sasabihin mo para hindi ka mataranta.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Tuparin mo ang pangako mo sa isang tao ngayong araw, lalo na kung dapat ay matagal mo na ito nagawa.
Love:
Singles: Huwag ka na lamang makialam sa problema ng ibang tao ngayong araw para hindi ka na madamay pa sa gulo nila.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala kung malugi ka man ngayong araw. Tiyak na mababawi mo agad ito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang handa ka na para gawin ang isang bagay para sa isang tao. Tandaan mo na wala ng atrasan kapag pinagpatuloy mo ito.
Love:
Couples: Huwag mo na kasi kulitin ang partner mo tungkol sa isang bagay, lalo na kung ayaw niya talaga rito.
Money/Career:
Pwede mo namang tanggihan ang isang bagay lalo na kung request lang naman ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6