“Lahat humiyaw!”
“Sabay-sabay sumayaw!”
“One big cheer para sa ating tagumpay!”
Talaga namang nagdiriwang ang buong GMA Network sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng kanilang GMA Telebabad series na “Inday Will Always Love You” na pinangungunahan ni Barbie Forteza at Derrick Monasterio kasama sina Nova Villa, Manilyn Reynes, Ricky Davao, Super Tekla, Gladys Reyes, Boobay, Kimpoy Feliciano at marami pang iba.
Hindi rin biro ang mga nakatapat ng show na ito ng Kapuso. Unang nakatapat ng “Inday Will Always Love You” ang “Since I Found You” nina Piolo Pascual at Arci Munoz at ngayon naman ay “Halik” na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Sam Milby.
Ang parehas na Kapamilya series ay walang panama in terms of ratings ng “Inday Will Always Love You”. Consistent na mataas ang nakukuhang Audience Shares ng series ni Barbie ayon sa ratings provider ng GMA Network na Nielsen Phils. TAM (Arianna).
National Urban Philippines TV People Audience Shares
May 21 – August 10: Inday Will Always Love You (46.9%) versus Since I Found You (32.0%)
August 13 – September 7: Inday Will Always Love You (43.5%) versus Halik (36.3%)
At dahil tagumpay si Barbie na mapabagsak ang kalaban, extended ang teleseryeng ito at marami pang dapat pakaabangan sa mga susunod na episodes. Ilang mga Kapuso stars na rin ang nag-guest sa show dahil sa mas pinalawak sa plot nito na ala-“FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN.