Maraming nagulat sa biglaang pagtitweet ng Kapamilya star na si Jake Cuenca na parang may pinariringgan.
Bilang reply sa isang netizen sa Twitter, sinabi ni Jake (Deleted tweet), “#goyo is a treasure! As Filipinos its our obligations to watch the film! It’s our heritage our history more than rom coms we need to watch this film to learn. It’s our local Lincoln!”
Hindi natin masabi kung may pinagdadaanan bang problema o may galit itong si Jake Cuenca sa mga rom-coms na palabas ngayon para masabi niya ‘yan sa kanyang tweet habang pinopromote ang “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.
Tulad ng inaasahan, pumalag ang mga KathNiel at Sarah fans sa naging pahayag ng kapwa Kapamilya star. Gusto nilang ipabatid sa aktor na pwede namang i-promote na lang ni Jake ang “Goyo” na walang pagkukumpara sa rom-coms.
Kasalukuyang palabas naman sa mga local cinemas ang movie ng KathNiel na “The Hows of Us” at kay Sarah Geronimo naman na “Miss Granny.”
Pasok man sa genre ng rom-com, umaani naman ng papuri at magagandang reviews hindi lang sa mga netizens kundi pati na rin sa mga respetadong movie reviewers kaya kung quality, Filipino values at akting ang pag-uusapan, pasado ang dalawang rom-coms na ‘yan.
Sariwa pa sa alaala ng ilang mga fans ang ginawang pasaring ni Jake last year tungkol sa trend ng mga magazine covers na nagkataong ang KathNiel ang bumandera noong buwang iyon. Sabi niya, “What’s happened to magazines here? They just put people who could sell rather than having people who can actually influence fashion? Ano to?”
Jake’s sorry
Sinubukan pa ni Jake na magpaliwanag pero lalo pang nag-ignite ang discussion sa Twitter. “Not dragging other genres down. We put the same exact effort in making any films regardless. But when something is unique and different, we should support it. If we do and it succeeds? We create even more genres of film,” sabi niya.
Dahil sa libo-libong reaksyon na kanyang natanggap, walang nagawa si Jake kundi mag-sorry: “I would like to apologize for my tweet. I wasn’t pertaining to another film #thou aside from #goyo. It was wrong of me to compare genres but I wasn’t comparing both films because both films are great. Just happy to have variety in the cinema and we should support them all. My bad.”
Kahit pa anong rom-com ‘yan, gawang Pinoy man o hindi, walang karapatan ang kahit na sino na manghila pababa, lalong-lalo na ‘yung mga nasa industriya. Lahat naman ng iyan ay ginawa para sa mga Pinoy moviegoers at talagang pinaghihirapan. Pagalingan na lang sa promotions.
Para sa iyo Jake, kung gusto mong ipromote ang “Goyo: Ang Batang Heneral,” ipromote mo na lang, hindi mo kailangang magdemote, sa iyo pa talaga galing. Hiyang-hiya naman ang mga moviegoers na mas may taste sa iyo.