May hindi makakalimutang karanasan ang daily winner ng ‘Miss Q&A’ na si Yuri Ventura Imperial sa “It’s Showtime” noong August 31.
Maliban sa kanyang pagkapanalo bilang Daily Winner noong araw na iyon, nagkabihira si Yuri Ventura Imperial ng lakad dahilan para madulas siya habang sumasagot sa ‘Beklamation.’
Tanong ni Vice Ganda: Kung magpapasakop tayo sa ibang bansa, kanino mo gusto – sa Amerika o sa China?
Sagot ni Yuri Ventura Imperial: “I believe kung magpapasakop tayo sa ibang bansa, mas pipiliin kong sakupin (biglang nadulas)…
“I believe mas pipiliin ko pong sakupin tayo ng Amerika dahil naniniwala akong ang Amerika ay may malaking kontribusyon sa ating bansa. Ang kultura, edukasyon at gobyerno na meron tayo, na ginagamit natin hanggang ngayon. Sila ang nagbigay nito sa atin. And I, thank you.”
Hinarap ni Yuri Ventura Imperial ang bagong reigning queen na si Jher Ramos.