Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mong gawin ang isang bagay kung saan hindi ka masyadong magaling. Pag-aralan mo ito para naman maging versatile ka.
Love:
Singles: Kung may nararamdaman ka pa rin para sa iyong ex at kung ganun din naman siya sa iyo, maaaring magkabalikan kayo sa hinaharap.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa law ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung kailangan mo talaga ng pera, huwag kang mahiya manghiram sa iyong mga kaibigan. Tiyak naman na maiintindihan ka nila.
Love:
Singles: Kung wala ka talagang pagtingin sa isang taong nagkakagusto sa iyo, tanggihan mo na siya kaagad para hindi na siya umasa pa.
Money/Career:
Kung may balak kang bilhin ngayong araw, subukan mong umikot muna sa mall at baka naka-sale ito sa iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang matutulungan ka ng isang tao ngayong araw, lalo na kung gagawin niya ito para makabawi sa iyo.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman niya pinapansin, huwag mo na siya kulitin at masasayang lang ang oras mo.
Money/Career:
Bago mo gawin ang isang bagay, isipin mo muna ang advantages at disadvantages nito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi porke nasolusyunan mo ang isang bagay ay magagawa mo na solusyunan ang lahat ng iyong problema. Kailangan mo pa ring mag-effort para sa mga ito.
Love:
Singles: I-pursue mo na kaagad ang taong nagugustuhan mo lalo na kung takot ka na maunahan ng iba.
Money/Career:
Kung gusto mo magkaroon ng promotion, subukan mong kausapin ang iyong boss tungkol dito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may magagawa kang tama ngayong araw at marami ang bibilib sa iyong nagawa. Magiging maganda ang mood mo dahil dito.
Love:
Couples: Hindi sapat na mahal ninyo lang ang isa’t-isa. Dapat ay nag-eeffort pa rin kayo para mapaganda ang inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag ka muna magpautang ngayong araw dahil may chance na hindi ka mabayaran sa oras.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may gagawin kang kakaiba, maaaring mapunta sa iyo ang atensyon ng ibang tao kaya naman mag-ingat ka sa iyong mga kilos.
Love:
Couples: Kung wala naman kayong gagawin, subukan mong yayain ang iyong partner na gumala ngayong araw para naman makapag-exercise kayo.
Money/Career:
Para suportahan ka ng iba sa iyong mga gawain, dapat ay maging confident ka para magkaroon sila ng tiwala sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung gusto mo talagang makatulong sa iba, gawin mo ito ng libre at huwag ka na humingi ng kapalit para rito.
Love:
Couples: Huwag mo na pilitin ang iyong partner sa isang bagay na hindi niya gusto kung ayaw mong mag-away kayo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin mo ang isang bagay na matagal mo na gusto.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong pumili kung kaninong side ka kakampi. Hindi pwede na parehas mo silang kampihan.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang seryosong relasyon, huwag mo pilitin ang iyong sarili para hindi ka mahirapan.
Money/Career:
Magfocus ka lang sa iyong mga gawain at tiyak na matatapos mo ang mga ito sa oras.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang kung hindi mo paniniwalaan ang narinig mo mula sa ibang tao, pero huwag kang magugulat kung mangyari man ito.
Love:
Couples: Maiintindihan ka naman ng iyong partner kaya huwag ka na maglihim sa kanya para hindi siya nag-aalala.
Money/Career:
Kahit na masipag ka sa iyong trabaho, may ilang tao talaga na idadawit ka sa kasalanan na hindi mo naman ginawa.
Lucky color: White
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo kakayanin ang isang gawain, humingi ka ng tulong sa iyong best friend lalo na kung hindi naman siya busy.
Love:
Couples: Mag-ingat ka ngayong araw dahil malaki ang chance na ikaw ay matukso sa gagawin ng isang tao.
Money/Career:
Mukhang may chance na mabawi mo ang pera na nawala mo kamakailan ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo kalimutang magpasalamat sa tao na tumulong sa iyo, lalo na kung ginawa niya ito na walang bayad.
Love:
Couples: Huwag ka na mainsecure sa mga kaibigan ng iyong partner. Saka ka na lang magreklamo kung mas gusto niya na sila ang kasama kaysa sa iyo.
Money/Career:
I-motivate mo ang sarili mo na sipagin ngayong araw dahil marami ka pang dapat na gawin sa inyong bahay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong ipagliban ang lakad mo ngayong araw, lalo na kung magkakaroon ka ng problema sa inyong tahanan.
Love:
Couples: Kumalma ka lang dahil marami naman ang tutulong sa iyo para humanap ng solusyon sa matagal mo na pinoproblema.
Money/Career:
Huwag mo hayaang ma-stress ka ngayong araw lalo na kung ayaw mong masira ang mood mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4