Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi mo napapansin pero maraming bagay ang nagbago sa iyo dahil sa isang tao. Maging thankful ka sa kanya.
Love:
Couples: Okay lang naman na gawin mo ang iyong gusto, pero iconsider mo rin sana ang mararamdaman ng iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka magpakontrol sa isang tao, lalo na kung hindi naman siya ang boss mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaalala ng ibang tao ang iyong mga gagawin ngayong araw, kaya naman tiyakin mo na halos tama ang mga ito.
Love:
Singles: Isipin mong mabuti kung ano ba talaga ang hinahanap mo sa isang tao, para naman hindi ka malito kung sino dapat ang i-pursue mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa cosmetics ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong mag-alala dahil magiging pamilyar ka naman sa isang bagay kaya magagawa mo ito nang maayos.
Love:
Couples: Mukhang maglelevel-up pa ang inyong relasyon at maaaring humantong na ito sa isang kasalan.
Money/Career:
Huwag ka na maiinggit sa ibang tao dahil may mga bagay o katangian ka naman na wala sa iba.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong makipagtulungan sa isang tao ngayong araw, kahit na hindi ninyo gusto ang isa’t-isa.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo ulit ang taong naging bahagi ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong trabaho, lalo na kung nagmamasid sa iyo ang inyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka palagi umasa sa ibang tao. Gumawa ka rin o mag-isip ng paraan para naman magtiwala sa iyo ang iba.
Love:
Couples: Bumawi ka sa iyong partner ngayong araw, lalo na kung nagtatampo siya sa iyo dahil sa pagiging busy mo.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho para naman hindi ka mapagalitan ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung gusto mo magkaroon ng maraming pera, paghirapan mo ito. Huwag mo lang daanin sa puro hingi.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring masira ang inyong relasyon lalo na kung magpapadala ka sa tukso.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong career, kaya naman paghandaan mo ito para madali kang makapag-adjust.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung napapansin mo na hindi maganda ang kanyang ugali, sabihin mo ito sa kanya dahil baka hindi lang siya aware tungkol dito.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang pasensiya mo sa iyong partner para hindi na kayo mag-away buong araw.
Money/Career:
Subukan mong baguhin ang diskarte mo sa iyong mga gawain at baka maging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo alam ang susunod na gagawin mo, subukan mong humingi ng payo sa iyong kaibigan at sundin ito.
Love:
Couples: Mukhang may sorpresa sa iyo ang iyong partner, lalo na kung naging behave ka kamakailan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong exam.
Lucky color: Black
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung tatapusin mo agad ang isang bagay, baka ma-bore ka pagkatapos lalo na kung hindi mo sure kung ano ang next mong gagawin.
Love:
Couples: Maging honest ka na lamang sa iyong partner para hindi na siya maghinala sa mga kinikilos mo.
Money/Career:
Kung may plano kang magsimula ng iyong sariling business, maganda ang araw na ito para gawin ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na pakialaman ang gawain ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madamay sa mga mali nilang nagawa.
Love:
Singles: Sundin mo kung ano ang iyong gusto. Huwag kang magpapressure sa sinasabi ng ibang tao para hindi ka magsisi sa huli.
Money/Career:
Gamitin mo ang mga natutunan mo para solusyunan ang isang problema sa trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong pagurin ang iyong sarili. Maaaring marami ka ngang matapos na mga gawain, pero hindi mo masisigurado kung tama ang mga ito.
Love:
Singles: Maaaring makita mo ulit ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Kung may balita siya sa iyo, pakinggan mo muna ito.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Malapit mo na maabot ang goals mo sa buhay. Kumapit ka lang at huwag basta-basta susuko sa mga pagsubok.
Love:
Couples: Subukan mong yayain na gumala ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung matagal na kayong hindi nakakapamasyal.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa real estate ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29