Aries (Mar 21 – Apr 19)
Marami pang opportunities ang darating sa buhay mo, kaya naman huwag ka masyadong mainip at matutong maghintay na lamang.
Love:
Singles: Mukhang maganda ang araw na ito para ipagtapat mo sa isang tao ang iyong tunay na nararamdaman.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bilhin na mga gamit, ilista mo ito para naman wala kang makalimutan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang na magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili, pero dapat ay hindi ka masyadong mayabang lalo na kapag kaharap mo ang ibang tao.
Love:
Singles: Maging mabait ka na lamang sa mga taong nakakasama mo, kahit na pasaway talaga sila minsan.
Money/Career:
Kahit na kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain, may chance na tatamarin ka pa ring gawin ang mga ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit na maging busy ka ngayong araw, tiyak naman na matatapos mo ang iyong mga gawain kaya hindi ka magkakaroon ng problema.
Love:
Couples: Kung seryoso ka sa iyong desisyon, gawin mo ito kahit pa tumutol ang iyong partner. Ipaintindi mo na lang sa kanya ang iyong ginagawa.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso sa buhay, may mga tao talaga na gusto kang makita na madapa.
Lucky color: Brown
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ibigay mo ang tiwala mo sa isang tao, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maaaring maging busy ka sa iyong trabaho o mga gawain kaya naman mababawasan ang oras mo para sa iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na malugi ka ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na may pagalitan ka ngayong araw, pero dapat ay bigyan mo rin siya ng instruction kung ano ang kanyang dapat gawin.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin sa malayo, dahil ang taong nakalaan para sa iyo ay nasa malapit lamang.
Money/Career:
Kung makakakuha ka ng magandang advice mula sa isang katrabaho, gawin mo ito para naman magkaroon ng pagbabago sa iyong career.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magkakaroon din ng kasagutan sa iyong mga problema. Kaya naman huwag ka muna magpanic at tingnan mo kung ano ang mga pwede mong gawin.
Love:
Singles: Subukan mong yayain na kumain sa labas ang iyong pamilya, lalo na kung wala naman kayo masyadong gagawin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang talent na mapapakinabangan mo para kumita ng pera, idevelop mo ito para makatulong ka sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Huwag ka na lamang kumontra sa gusto ng iyong partner, lalo na kung makakatulong naman ito sa iyo.
Money/Career:
Huwag kang matakot na magtake ng risk, lalo na kung konti lang naman ang mawawala sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring may mangyaring espesyal ngayong araw, nkaya naman magmasid-masid ka sa iyong paligid para makita mo ito.
Love:
Couples: Huwag ka na malungkot kung hindi nangyari ang iyong inaasahan. May next time pa naman kaya kumalma ka lang.
Money/Career:
Huwag ka magreklamo sa iyong trabaho, at baka marinig ka ng iyong boss.
Lucky color: Gold
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng ibang tao, lalo na kung may point naman sila. Huwag na matigas ang ulo.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong i-spoil ang iyong partner dahil hihingi lang siya sa iyo nang hihingi kapag palagi mo siyang pinagbibigyan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Subukan mong balikan ang mga bagay kung saan ka nagkamali. Tingnan mo itong mabuti at baka malaman mo kung ano ang iyong dapat na gawin.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw, lalo na kung masyado kang stressed sa iyong trabaho.
Money/Career:
Mukhang may job offer sa iyo, pero huwag mo muna itong tatanggapin lalo na kung malayo ito sa nakasanayan mong gawin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging honest ka lamang sa iyong sarili. Kung may nakita kang mali, i-report mo ito para magawan agad ng aksyon.
Love:
Singles: Huwag ka basta-basta pauuto sa mga sinasabi ng ibang tao sa iyo. Marahil ay meron lang silang kailangan sa iyo.
Money/Career:
Kahit na mahirap, kailangan mo pa ring maging masipag para naman umasenso ka sa buhay.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 25
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo alam ang iyong gagawin, mas mabuting tumigil ka muna at magrelax para maging malinaw ang iyong isipan.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, dapat ay gumawa na kayo ng paraan para mapatibay agad ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23