Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magfocus ka sa iyong mga gawain para naman hindi ka ulit mapagalitan dahil sa mga maling nagawa mo.
Love:
Singles: Kung may nagpaparamdam sa iyo pero hindi mo siya type, sabihin mo na ito agad sa kanya para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa cosmetics ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi matanggap ng ibang tao ang ginagawa mo, mas mabuting umiwas na lamang sa kanila para hindi na pumangit ang mood mo.
Love:
Couples: Kung nagtatampo siya sa iyo, mas mabuting gumawa ka ng paraan para mawala ito para naman hindi na kayo maging awkward sa isa’t-isa.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang business, siguraduhin mo muna na maglalaan ka rito ng maraming oras para naman magtagumpay ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Marami ka pang dapat na gawin kaya naman umpisahan mo na ang mga ito. Hindi ito ang panahon para maging tamad ka.
Love:
Couples: Kung wala ka namang ibang plano para sa araw na ito, mas mabuting manatili na lamang sa bahay at magpahinga.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala. Pagod ka man, tiyak naman na may magandang balik ito sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo iignore ang mga taong tumutulong sa iyo. Makinig ka sa kanila dahil may chance na may point naman talaga sila.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na mamasyal sa araw na ito lalo na kung maganda naman ang panahon.
Money/Career:
Magtiis ka lang dahil tiyak na giginhawa rin ang buhay mo sa hinaharap.
Lucky color: Rose
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hihingian ka ng pera ngayong araw, mag-isip ka muna dahil may malaking chance na hindi ka mababayaran sa tamang oras.
Love:
Couples: Kahit na sigurado ka naman sa iyong mga ginagawa, may chance na hindi ka pa rin mauunawaan ng iyong partner.
Money/Career:
Bago mo gawin ang isang bagay, isipin mo muna kung anong diskarte ang gagawin mo para naman makatipid ka sa oras.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 21
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo pa naman kailangan ang isang bagay, huwag mo muna ito bilhin. Hintayin mo na lamang na mag-sale ito.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga kinikilos ng iyong partner, magtanong ka sa kanya para hindi ka na naghihinala.
Money/Career:
Huwag ka na mangutang para lamang mabili mo ang isang bagay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may pupuntahan kang party, siguraduhin mo na maaga ka para hindi ka masabihan na paimportante.
Love:
Couples: I-respeto mo ang privacy ng iyong partner. Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya.
Money/Career:
May chance na magkaproblema ka sa iyong trabaho kaya naman gawan mo ito agad ng paraan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may taong bibisita sa inyo kaya naman huwag mong kalimutan na maglinis ng bahay o ng iyong kwarto.
Love:
Couples: May malaking chance na may ibigay sa iyo na regalo ang iyong partner lalo na kung naging behave ka kamakailan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyante na merong exam.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao lalo na kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ito totoo.
Love:
Couples: Patawarin mo na ang iyong partner lalo na kung nagsorry naman siya sa kasalanan na nagawa niya.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang agreement, basahin mo nang mabuti ang mga papeles para maging sigurado ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung malungkot ang iyong kaibigan, subukan mo siyang patawanin para kahit papaano ay gumaan ang kanyang loob.
Love:
Couples: Mag-explain ka nang mabuti sa iyong partner para hindi na siya magduda sa mga kinikilos mo.
Money/Career:
Mukhang hindi magiging maswerte ang araw na ito para sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi mo aalagaan ang iyong sarili, maaari kang magkasakit at hindi mo magawa ang mga bagay na dapat mong gawin.
Love:
Couples: Maaaring magulat ka sa gagawin ng iyong partner ngayong araw. Ikaw lang ang makakapagsabi kung maganda ba ito o hindi.
Money/Career:
Kung may balak kang bilhin, mag-ikot-ikot ka muna at baka may makita kang mas mura.
Lucky color: Black
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na gumawa ka ng schedule, may chance na hindi mo ito masunod dahil tatamarin ka na naman.
Love:
Couples: Maglaan ka ng panahon sa iyong partner, lalo na kung napapansin mong nagtatampo na siya sa iyo lately.
Money/Career:
Tandaan mo, ienjoy mo lang ang iyong mga gawain at tiyak na hindi ka maiistress sa mga ito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 25