Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang gustong matutunan na isang bagay, dapat ay magaling ang hihingian mo ng tulong para naman hindi masayang ang oras at pagod mo.
Love:
Singles: Kung hindi ka talaga niya type, mas mabuting huwag mo na lang siya kulitin para naman hindi siya ma-badtrip sa iyo.
Money/Career:
Kung mamadaliin mo ang isang bagay, may chance na magkamali ka rito at wala kang choice kundi umulit sa umpisa.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gawin mong challenging ang araw na ito. Subukan mong simulan ang isang bagay na hindi mo madalas na ginagawa.
Love:
Couples: Hindi naman perfect ang iyong partner, kaya habaan mo na lang ang pasensiya mo sa kanya lalo na ngayon.
Money/Career:
Kung hindi mo na feel ang iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng iba.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Alagaan mo ang iyong sarili. Huwag ka masyadong magpagod at maraming tao ang umaasa sa iyo. Magpahinga ka kung magkakaroon ng pagkakataon.
Love:
Couples: I-date mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung meron siyang nakuhang achievement this week.
Money/Career:
Bago ka tumulong sa ibang tao, siguraduhin mo muna na natapos mo na ang iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ingatan mo ang iyong sarili ngayong araw. Huwag ka basta-basta pumasok sa away ng ibang tao lalo na kung hindi mo naman alam ang tunay na nangyari.
Love:
Singles: Marami ang nagkakacrush sa iyo, kaya pwede kang makaramdam ng pressure lalo na kung masyado silang makukulit.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Matatapos mo rin ang mga gawain mo kaya magfocus ka na lamang sa mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung gusto mong payuhan ang isang tao, gawin mo ito pero pag-isipan mo itong mabuti para naman bumilib siya sa iyo.
Love:
Couples: I-share mo ang ilan sa iyong mga sikreto sa iyong partner para naman maging close pa kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Gold
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mong bilisan ang paggawa ng desisyon lalo na kung gusto mong makakita agad ng resulta tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Kung masyado kang stressed, maaaring makaapekto ito sa inyong relasyon at baka mag-away kayo ng iyong partner.
Money/Career:
Subukan mong makipagkulitan sa iyong boss para naman makuha mo ang loob niya.
Lucky color: Cream
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring makatanggap ka ng isang regalo mula sa isang tao na nakagawa ng kasalanan sa iyo kamakailan.
Love:
Couples: Kung hindi mo aayusin ang ugali mo sa ibang tao, lalo ka lang mapapagalitan ng iyong partner.
Money/Career:
Kung may balak ka na pumasok sa isang business, maganda ang araw na ito para magsimula.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo sigurado ang isang bagay, magtanong-tanong ka muna sa iba na marunong para magkaroon ka ng idea.
Love:
Couples: Ipasyal mo ang iyong partner ngayong araw lalo na kung napapansin mong hindi na kayo gaano nakakagala.
Money/Career:
Maaaring may mga taong mainggit sa iyo dahil sa galing mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
I-check mo ang iyong email at baka may matanggap ka na good news mula sa isang kaibigan na matagal mo na hindi nakikita.
Love:
Couples: May chance na may taong kumilit sa iyong partner ngayong araw kaya naman gawin mo ang lahat para palayuin ang taong ito sa kanya.
Money/Career:
Sundin mo na lamang ang sinasabi ng iyong boss para hindi na siya magkaroon ng problema sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 22
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi mo kailangang maintindihan ang lahat ng bagay. Sumunod ka na lamang sa agos at hayaan mo na mangyari ang mga dapat mangyari.
Love:
Couples: Ilibre mo sa isang dinner ang iyong partner ngayong araw para naman matuwa siya sa iyo.
Money/career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho, hindi ka mag-iimprove dito kaya mas mabuting maghanap ka na lang ng iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Makinig ka na lang muna sa isang tao ngayong araw. Huwag ka na kumontra para naman hindi siya magalit sa iyo.
Love:
Couples: Malaki ang tiwala ng iyong partner sa iyo kaya naman gawin mo ang lahat para naman hindi siya mabigo sa iyo.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, humingi ka muna ng payo sa isang expert.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mag-ingat ka sa iyong mga gawain para naman hindi ka maasar ng ibang tao sa iyong pagkakamali at para hindi ka na rin mapagalitan.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang pasensiya mo sa iyong partner dahil malaki ang chance na maging pasaway siya ngayong araw.
Money/Career:
Maaaring mairita ka sa iyong mga kasama lalo na kung hindi nila makuha ang sinasabi mo sa kanila.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10