Aries (Mar 21 – Apr 19)
Pansinin mo na kasi ang isang tao ngayong araw lalo na kung lagi ka niyang kinukulit. Pagbigyan mo na siya sa kanyang gusto.
Love:
Singles: Kung wala naman talagang pagtingin sa iyo ang isang tao, mas mabuting magmove on ka na para makapagfocus ka sa iba.
Money/Career:
Kung masyadong maraming distractions sa iyong trabaho, malaki ang chance na hindi mo matapos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit ulit ang ulo ng mga taong makakasama mo.
Love:
Couples: Huwag ka na kasi guluhin ang iyong partner kung meron siyang ginagawa para hindi siya mainis sa iyo.
Money/Career:
Kung gusto mo na talaga bilhin ang isang bagay, gawin mo ito basta ba hindi mo ito itatambak sa huli.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang hindi ka madaling maloloko ngayong araw. Madali mong malalaman kung may binabalak ang isang tao sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may crush din ang iyong kaibigan sa taong gusto mo. Panahon na para unahan mo siya bago pa siya kumilos.
Money/Career:
Huwag ka muna magtiwala sa ibang tao lalo na kung hindi mo naman siya ganun kakilala.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang marami ka pang dapat na gawin ngayong araw, kaya naman umpisahan mo na ang mga ito para maaga kang matapos.
Love:
Couples: Kung may gusto kang sabihin sa iyong partner, gawin mo na ito para naman maintindihan
ka niya.
Money/Career:
Makukuha mo rin ang mga bagay na gusto mo kaya naman maging masipag ka lang sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may atraso sa iyo ang isang tao at hindi na siya tumutupad sa kanyang pangako sa iyo, subukan mo na siyang kasuhan para madala.
Love:
Singles: Kung may nagugustuhan kang tao, hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Malapit ka na maging successful kaya naman huwag ka muna susuko.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may taong lalapit sa iyo para humingi ng tulong, huwag mong ireject ito at tulungan siya lalo na kung idol ka naman niya.
Love:
Couples: Mukhang may haharpin kayong problema sa mga susunod na araw kaya naman dapat ay maghanda kayo.
Money/Career:
Unti-unti nang gumaganda ang financial status ninyo, kaya konting tiis na lang at makakabawi rin kayo.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang mahihirapan kang ayusin ang isang bagay ngayong araw, kaya naman humingi ka ng tulong sa ibang tao.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na pumunta sa isang lugar na memorable sa inyong dalawa.
Money/Career:
Panahon na para itigil mo ang isang investment lalo na kung hindi mo talaga ito magawang ma-maintain.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mo munang huwag kausapin ang isang tao lalo na kung may kasalanan siyang nagawa sa iyo. Hintayin mo kung mag-aapproach siya sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagpapansin sa iyo, pero may chance na wala ka talagang pagtingin sa kanya.
Money/Career:
Lalala lang ang sakit ng iyong ulo lalo na kung parati ka na lamang magpupuyat.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung masyado ka na maraming gamit, subukan mong ibigay na lang ang mga ito sa iba para mabawasan ang tambak mo sa kwarto.
Love:
Couples: Kung stressed ka sa iyong partner, subukan mo munang umiwas sa kanya para naman makapag-isip ka.
Money/Career:
Huwag mo na muna pakialaman ang gawain ng ibang tao para naman hindi ka masisi kapag nagkamali sila.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na kontrahin ang mga bagay-bagay na mangyayari ngayong araw. Mag-adjust ka na lamang sa mga ito.
Love:
Singles: Kung hindi ka talaga gusto ng isang tao, marahil ay nakalaan talaga kayo para maging magkaibigan lang.
Money/Career:
Panahon na para mag-ipon ka at mag-invest ka para sa sarili mong bahay.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may gumugulo sa iyo, sabihin mo ito sa iyong pamilya at baka meron silang maitulong sa iyo.
Love:
Singles: Walang taong perfect. Kaya naman huwag ka mag-expect na lahat ng katangian na hinahanap mo ay nasa isang tao lang.
Money/Career:
Kung may hinihintay kang balita mula sa iyong mga katrabaho, marahil ay malapit mo na ito matanggap.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na hindi matupad ang iyong plano, magiging maganda pa rin ang resulta nito lalo na kung dedicated ka talaga.
Love:
Couples: Huwag ka na magpastress sa iyong partner. Hayaan mo na lang muna siya sa kanyang gustong gawin.
Money/Career:
Kung gagawa ka na agad ng aksyon, maaaring malito ka kung sakaling may problemang biglang magpakita.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25