Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago mo tapusin ang isang bagay, i-check mo muna kung nagawa mo ito ng tama para naman hindi ka na umulit pa.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw. Huwag ka muna bibigay sa mga sasabihin niya sa iyo.
Money/Career:
Kung masyado kang stressed lately, subukan mong magrelax at manood na lamang ng pelikula.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Subukan mong yayain ang iyong kaibigan na gumala ngayong araw, lalo na kung marami ka namang free time.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, huwag mong kalimutan na magparamdam sa kanya para naman maging aware siya.
Money/Career:
Huwag ka na lamang makisama sa mga taong hindi kayang sakayan ang mga trip mo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kumalma ka lang. Huwag mong hayaan na madala ka ng iyong mga emosyon dahil tiyak na malaki ang chance na makagawa ka ng maling
desisyon.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung naging busy ka kamakailan dahil sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Huwag mo muna simulan ang isang bagay kung alam mo naman na hindi mo ito kayang tapusin.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang makukuha mo naman ang gusto mo ngayong araw. Pero kung hindi pa rin ito sapat para sa iyo, mas maganda kung matuto ka na lamang na makuntento.
Love:
Singles: Kung takot ka pa ring umibig muli, huwag mong ipressure ang iyong sarili. Darating din ang tamang oras para diyan.
Money/Career:
Maging positive ka lang palagi, lalo na kung ayaw mong ma-stress buong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Gawin mo ang best mo ngayong araw, dahil mas magiging maganda ang resulta nito kung all-out ka.
Love:
Couples: Kung may napapansin kang problema sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para aksyunan mo ito.
Money/Career:
Dumistansya ka na lamang sa mga taong naiinggit sa iyo para hindi ka mahawa sa negative vibes nila.
Lucky color: Green
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Gawin mo na agad ang kailangan mong gawin sa umaga, para pagsapit ng hapon ay magpapahinga ka na lamang.
Love:
Couples: I-treat mo ang partner mo ngayong araw, lalo na kung gusto mong bumawi sa mga ginawa niya sa iyo.
Money/Career:
Kung bago ka pa lamang sa iyong trabaho, gawin mo ang lahat para naman mapansin ka kaagad ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may gusto kang bisitahin ngayong araw, siguraduhin mo na nandun sila sa kanilang bahay para hindi masayang ang lakad mo.
Love:
Couples: I-enjoy ninyo lang ang araw na ito. Pwede kayong pumunta sa mall o kaya’y manood na lamang ng movie sa bahay.
Money/Career:
Kung hindi ka magiging maingat sa iyong trabaho, may chance na layuan ka ng iyong mga kasama.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mo munang mag-adjust ngayong araw, lalo na kung wala ka talagang ibang option na mapagpipilian.
Love:
Couples: Kung may gusto kang sabihin sa iyong partner, diretsyuhin mo na siya at huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung kaya mong hindi umalis ng bahay ngayong araw, gawin mo ito. Magpahinga ka muna at huwag na muna gumala.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, gamitin ninyo ang araw na ito para lalo pang makilala ang bawat isa.
Money/Career:
Kailangan ay mabilis kang mag-isip para naman bumilib sa iyo ang iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gusto mo man gawin ang isang bagay, mahihirapan ka naman na ipagpatuloy ito lalo na kung hindi ka susuportahan ng iyong pamilya.
Love:
Singles: Huwag mo na lamang pansinin ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo. Ang importante, totoo ka sa iyong sarili.
Money/Career:
May malaking chance na mairita ka sa isang tao ngayong araw, kaya mas mabuting layuan mo siya habang may pagkakataon ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung feeling mo ay nagsisinungaling sa iyo ang isang tao, subukan mo siyang hulihin para makasiguro ka.
Love:
Couples: Kung parehas kayong stressed, tiyak na hindi magiging maganda ang future ng inyong relasyon.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng may part-time job.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang marami ka pang kailangang gawin kaya naman bilisan mo para marami ka ring matapos sa mga ito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na kausapin ka ng crush mo ngayong araw dahil may favor siya sa iyo.
Money/Career:
Ibigay mo na lang muna ang oras mo sa iyong career para hindi ka masyadong ma-stress sa iba pang mga bagay.
Lucky color: Brown
Lucky number: 20